Sumulpot ito sa tahanan ni Hellion. "Jane!" tawag nito sa ampon. "Anong nangyari?" "Hindi ko alam," sagot ni Bal. "Natagpuan ko na lang sila na nasa gitna ng nasusunog na antique shop ni Angeli." "Anong nangyari sa anak mo?" tanong ni Laura habang nakatingin sa buhat ni Bal. Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito. Ni hindi tumanda. "Hindi ko alam." Nag-isip si Bal sa posibleng nangyari. Pinagmasdan ang nito ang walang malay na anak na karga niya. "Alam mo bang pinaslang ni Sonia ang kakambal ni Rei?" tanong ni Hellion sa kapatid. "Bakit kasi ngayon ka lang dumating?" "Itanong natin kay Angeli kung ano ang nangyari." Inihiga niya sa sofa ang anak saka ito marahang tinapik sa pisngi. "Angeli." "Hmm..." sagot ni Angeli na unti-unti nang nagigising. "Ina!" Napabalikwas ito. "Angeli, ang

