SA KASALUKUYANG PANAHON, TAONG 2020... Nagpaalam ang pulis na si Jeffrey Ballon kay Angeli para bumalik sa presinto dahil pinagre-report ito ng hepe nila. Pinayagan na niya ito. Nagyakap sina Jane at Angeli. "Ayos ka lang ba? Totoo ba iyong video? Panood kami." "Halika." Ipinanood ni Angeli kina Jane at Rei ang video. Nanggigigil sa galit si Rei. "Susunugin ko ang painting na 'yan!" "Sandali, hindi natin alam kung ano pa ang kayang gawin ng babae sa painting. Kailangang mag-ingat tayo sa gagawin natin," suggestion ni Jane. "Simple lang naman ang problema, ang pumunta sa shop mo, Angeli, at sunugin ang painting," pamimilit ni Rei. Inilabas nito ang lighter niya. "Halika na," aya ni Angeli sabay tayo mula sa sofa. Tinungo nilang lahat ang antique shop. Pumasok ang grupo sa shop ni An

