CHAPTER 20: PREGNANCY

1450 Words

Kumalat agad sa isla na nakabalik na si Sonia at wala pa rin ito sa kanyang sarili. Nagtahi-tahi na ang kuwento, kung paano ito nakauwi at kung ano ang kalagayan nito. Baka raw isinauli ito ng demonyo dahil pinagsawaan na o isa itong salot na magdadala ng kamalasan sa isla. Walang nagawa ang pamilya niya kundi ang magkibit-balikat ang ipagpasa-Diyos na lamang ang mga taong naninira sa kanila. Nakarating ang balita kay Roberto at nasabik itong masilayan ang dating kasintahan, subalit nagdadalawang isip siya dahil ayaw niyang makalikha ng anumang gulo sa nag-iisang babaeng minahal niya. Palakad-lakad ito sa silid. Nang hindi makatiis ay nagmamadaling lumabas din ito. Nakatuon ang isipan niya kay Sonia nang marinig ang usapan sa silid ni Mameng. "Paano kung malaman ni Roberto na hindi ka to

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD