CHAPTER 18 THE HONEYMOON

1134 Words

Ipinakilala ni Bal si Sonia sa lahat ng bisita. Kakaiba ang pakiramdam ni Sonia habang iniikot ang bulwagan. Nag-iinit ang kanyang katawan, tila may kung anong kakaibang sensasyon ang dumadaloy sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "Bal, ang init ng pakiramdam ko. Maaari na ba akong umakyat sa silid at magpahinga?" paalam ni Sonia sa kabiyak. "Aakyat na rin ako, para makapagpahinga na tayo," masuyong bigkas nito. "Mga kasama, magpapahinga na kami ng aking asawa. Maaari ninyong ituloy ang kasiyahan dito." Naghiyawan ang mga bisita, nagpatuloy ang kasiyahan at nagsayawan ang ilan sa saliw ng musika. Inalalayan ni Bal si Sonia habang paakyat ng hagdan. Nanlalambot na siya at hirap sa paglakad. Para siyang namimilipit sa sakit na di mawari dahil sa init na nararamdaman ng katawan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD