CHAPTER 29: THE SACRIFICE

1268 Words

"Narito na tayo, Mahal," saad ni Bal. Lumitaw sila sa tapat ng natupok na bahay. Naroon pa rin ang pira-pirasong bahagi ng bahay na naging uling na. "Kailangan na nating lumisan pagkatapos dito. Baka maabutan tayo ng mga nagnanais pumatay sa anak natin." Sapo ni Sonia ang tiyan at mabuay maglakad, nilapitan ang mga nasunog na parte ng bahay. Halos uling na lang ang natira. Nabasa pa ng tubig-ulan nang mga nagdaang gabi. "A-ano ang nangyari sa bahay? B-bakit ganito? Nasaan sina Ina?Sina Ama at Buboy?" Ilang saglit na katahimikan ang nangibabaw. Hindi sumagot si Bal sa tanong ni Sonia. Hindi nito alam kung paano ipaliliwanag ang nangyari sa pamilya nito. "Bal, n-nasaan sina Ina?" ulit na tanong ni Sonia. "Utang na loob, sagutin mo ako. Nasaan sila?" "Patay na sila. Sinunog ng mga taga-is

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD