CHAPTER 28: MAMENG'S GRUESOME DEATH

1292 Words

Sa mansyon ng mga Alvaro, muling nagtatalo sina Roberto at Mameng. Nawawala ang ipinintang larawan ni Sonia sa silid ng nito. "Ano ang ginawa mo sa larawan ni Sonia? Bakit ka pumasok sa silid ko at nakialam sa kagamitan ko?" mariing bintang ni Roberto sa asawa. "Bakit ako ang pagbibintangan mo sa pagkawala ng ipininta mo? Ako lang ba ang tao rito sa bahay, ha?" tanggi ni Mameng. "Wala namang ibang kontrabida sa buhay ko kung hindi ikaw. Nasaan ang larawan ni Sonia?!" Hinilklas nito ang braso ng asawa. "Aray ko, Roberto! Nasasaktan ako! Bitiwan mo ako!" Pinipilit ni Mameng na makawala sa mahigpit na hawak ni Roberto sa braso niya, subalit masyadong malakas ang lalaki. "Talagang masasaktan ka kapag hindi mo ibinalik ang larawan ni Sonia!" Sinabunutan nito ang asawa. "Tama na, Roberto!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD