Maraming nakapila sa cafeteria kaya sinabihan na lang ako ni Mau na maghanap ng table para sa aming tatlo habang sila ni Mark ang pumila para mag-order ng lunch namin. Kanina pa ako tumitingin sa paligid dahil kanina ko pa iniisip kung bakit sa amin sumabay si Mark sa pagkain. May mga engineer siya na palaging kasama sa pagkain ng lunch kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa amin siya sasabay kumain ngayon. Sa isa sa mga table na malayo sa table na napili ko ay agad na namukhaan ko ang mga lalaking madalas niyang kasabay na kumain ng lunch. Kagaya sa madalas nilang pwesto ay magkakasama pa rin silang apat. Madalas ay lima sila dahil parati nilang kasabay si Mark. Ngayon ay sa amin sumabay si Mark kaya apat na lang sila sa table. Why didn’t he eat with them today? Ilang sandali lang a

