Mukhang sinawaan na si Mau sa pagtatanong ng kung anu-ano kay Mark pero ako ay sobrang dami pang gustong malaman tungkol sa kanya. Sinusubukan kong sumenyas kay Mau pero mukhang gutom na gutom siya at naka focus lang sa pagkain kaya hindi ko tuloy alam kung paanong ibabalik ang gana niya sa pag-uusisa sa pinsan niya. Patapos na akong kumain nang muling nagsalita si Mau kaya napatingin kami ni Mark sa kanya. Mukhang nag focus lang muna siya sa pagkain at ngayon na tapos na siya ay saka niya ipinagpatuloy ang pag uusisa kay Mark. “Ikaw, Kuya Mark? Kamusta naman ang lovelife mo?” tanong ni Mau matapos uminom ng tubig. Tapos na ring kumain si Mark at nagpupunas na lang ng bibig kaya wala na siyang dahilan ngayon para hindi sumagot sa mga tanong sa kanya! “Bakit naman bigla ka yatang naging

