Pagdating sa opisina ni Jared Mijares ay nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. Antok na antok ako pagdating ng alas dos ng tanghali kaya kahit na hindi ko gusto ang kape na binigay ni Engr. Del Fierro ay ininom ko na lang para malabanan ang antok. Alas tres pa lang ng hapon ay naghanda na kami ni Mark sa pagpunta sa site. Isang oras din ang magiging byahe namin papunta doon at excited na ako dahil kaming dalawa lang ang pupunta. Gustong isama ni Mark si Mau pero tumanggi siya at alam kong dahil ‘yon sa kasunduan namin na ilalakad niya ako sa pinsan niya! Habang nasa byahe kami papunta sa site ay tahimik na tahimik si Mark kaya parang nawawala tuloy ang excitement ko! Magkasama nga kami pero hindi naman kami nag uusap! Wala ring kwenta! Bago pa tuluyang uminit ang ulo ko ay nilibang ko na la

