Pareho kaming tahimik ni Mark hanggang sa nakarating sa site. Tahimik talaga siya at pormal na pormal nang makipag usap sa mga dapat niyang kausapin. Hindi ko na muna inintindi si Mark at nag focus na lang sa mga gagawin ko para sa site visit na ito. Ilang sandali lang ay kausap ko na ang site manager tungkol sa mga pinag usapan namin noong nakaraan. Mukhang okay na okay sa kanya ang mga suggestions ni Mark kaya hindi rin kami nagtagal na magkausap. Halos isang oras lang ay tapos na ako sa mga dapat kong gawin sa site. Si Mark ay mukhang patapos na rin sa ginagawa niya kaya hinihintay ko na lang na matapos siya para makabalik na kami sa Mijares Trine. Pero bago pa tuluyang matapos si Mark sa pakikipag usap sa site manager ay naramdaman ko ang biglaang pagkulo ng tiyan ko. Kahit na hindi

