Ngiting-ngiti ako nang pumasok sa opisina lalo na at naging masaya ang pag attend ko sa kasal nina Kuya Yuji at Kai. Parang may nagbago rin sa pakikitungo ni Mark sa akin kaya buong weekend ay siya ang naging laman ng isip ko. Umayos ako ng upo nang tumunog ang phone ko para sa message ni Siob. Kanina ko pa siya ka-chat at kinukwento ko sa kanya ang mga nangyari noong kasal nila Kuya Yuji. Siob: If that’s how he’s been treating you lately, baka may MU na kayo ngayon. Me: MU as in Mutual Understanding? Siob: Malabong Usapan. Napasimangot ako nang mabasa ang reply ni Siob. Me: Ang ganda-ganda ng umaga ko, Siob. ‘Wag mong sirain! Siob: Are you gonna settle for that? Hangga’t walang label ay hindi ka dapat mag-assume ng kahit na ano, Yura. Oo nga at may thrill ang walang label pero

