Hindi nagtangka si Mark na lingunin ako at naka focus lang ang tingin niya sa daan kaya mas lalong nag-iinit ang mga pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa! “May ginawa ba ako sayo kagabi?” Sa gitna ng pananahimik naming dalawa ay bigla siyang nagtanong kaya napakislot ako at napalingon sa kanya. “Huh?” wala sa sariling tanong ko. Saglit na sinulyapan niya ako bago muling nag focus sa pagmamaneho. “Tinatanong ko kung may ginawa ako sayo kagabi,” marahang ulit niya. “Ginawang ano?” tanong ko. “Kahit ano na hindi mo nagustuhan,” sagot niya. Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Tumigil ang sasakyan niya kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Mukhang nandito na kami sa tapat ng bahay nila dahil huminto na siya sa tapat ng gate! “Meron b

