Buong linggo ay nasa Mijares Trine ako at dahil wala si Jared sa opisina niya ay sina Maureen at Mark ang palaging kasama ko. Araw-araw ay parang nawawala ako sa sarili sa tuwing mahuhuli ang titig ni Mark sa akin. Kagaya ng bilin nina Siob at Maureen ay hindi ko pinapahalata kay Mark na may gusto ako sa kanya. I feel like he is going to distance himself if he ever finds out that I have feelings for him. Kaya mas mabuti na rin siguro iyong ganito na lang muna kahit na sa tuwing mapapatitig ako sa mukha niya ay parang natutukso ako na titigan ang mga labi niya. And if any of my brothers find out that I am trying to flirt with their friend, they will surely kill me! Kaya mas mabuting ‘wag malaman ni Mark ang feelings ko dahil baka mamaya ay pati sa mga kuya ko ay umiwas siya! Gosh… But I

