Kagaya sa gusto kong mangyari ay nagpatuloy ang construction sa sumunod na linggo. Dahil madalas na busy si Jared at si Mark ang parating nakikipag usap sa akin tungkol sa project ay pinasama sa akin ni Engr. Gelo ang isa sa mga engineers sa LEF. Tawa nang tawa si Siob dahil ang engineer na parati kong kasama ngayon ay ang engineer na ginamit niya noong nakaraan para tingnan kung mag rereact sa story niya. “If I were you, Yura, didikit ako nang didikit d’yan sa engineer na kasama mo…” Saglit na itinabi ko ang construction documents na hawak ko at kunot ang noong nag-angat ng tingin kay Siob. Nandito siya sa LEF ngayon para mag attend ng meeting para sa briefing ng bagong project na gagawin niya. Noong nakaraan ay sinabi ko sa kanya na madalas kaming magkausap ni Mark ngayon tungkol sa p

