Kanina pa ako nakatitig sa phone ko at ilang beses na pinag iisipan kung i-te-text o kaya ay tatawagan si Mark para magtanong kung nakahanap na ba siya ng mga tao na papalit sa mga tauhan ni Julian. Ang sabi niya ay bago matapos ang linggong ito ay may resulta na. Friday pa lang naman ngayon at may dalawang araw pang natitira sa usapan namin pero gusto ko nang malaman kung maipagpapatuloy na ba ang construction sa susunod na linggo. “Wala namang masama kung tatawag ako sa kanya ngayon ‘di ba? Tungkol naman sa trabaho ang itatanong ko!” Kanina pa nagtatalo ang isip ko kung ngayon na siya tatawagan o bukas na ng umaga. It’s late in the evening and it’s going to be awkward to talk about work at this hour! “I-text ko na lang kaya?” Nang nakapag desisyon na ako ay hindi na ako nagdalawang

