Hindi ako makatulog nang umalis si Mark. Kanina pa ako tulala at nakahawak lang sa mga labi habang hindi mawala ang ngiti. “Holy shìt… I think I’m going crazy…” natatawang bulong ko at saka kinuha ang unan at niyakap-yakap! Hindi pa ako nakuntento ay hindi ko lang niyakap ang unan kundi tinadyak tadyakan ko pa. Kilig na kilig ako at hindi ko alam kung paano ko pang kinaya na tarayan siya kanina pagkatapos naming maghalikan! Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pagkatapos ko siyang tarayan dahil sa paghalik sa akin pero ako ay literal na parang mababaliw na dito. “Damn… I missed his kisses! Hindi pa rin nagbabago kung paano siyang humalik dati! Matagal pa rin at parang sarap na sarap sa mga labi ko!” Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag pabiling biling sa kama bago tuluy

