Kinabukasan ay hindi ko na hinintay na puntahan pa ulit ako ni Damion sa unit ko. May kailangan din akong gawin sa Mijares Trine kaya nang pumunta ako doon ay kinausap ko ng personal si Damion para sabihin sa kanya na tumigil na siya sa panliligaw sa akin. “Why? Because you like Jared’s assistant huh?” Napasinghap ako pero hindi naman ako masyadong nagulat na alam niya ang tungkol sa ginagawang panliligaw ni Mark sa akin. “Engr. Del Fierro, it’s not what you are thinking–” “No need to explain everything to me, Yura…” pormal na sambit niya at saka tumitig sa akin. “You always include Mark in the picture while we’re talking. It’s clear to me that you are interested in him. Pero dahil hinayaan mong manligaw ako sayo ay inisip ko na baka mali ako. I must admit that I was hoping that you ar

