Ramdam ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin nang sa wakas ay nakarating kami ni Mark sa Tagaytay. Ilang oras din ang naging byahe at hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip dahil masyadong sinasakop ni Mark ang buong pag-iisip ko. Pansamantalang nawala sa isip ko ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kuya ko. “Is that Larwin Ross’ car?” tanong ko kay Mark nang mapansin ang isang sasakyan na pamilyar sa akin. Tumango si Mark at saka niyaya na akong pumasok sa loob ng private resort kung saan magaganap ang second wedding nina Jared at Lady dito sa Tagaytay. May ilang staff ang nag-assist sa amin at nagbigay ng susi para sa magiging cabin namin. “Nandito na rin siguro si Mau,” sambit ko pa habang naglalakad kaming dalawa ni Mark papunta sa cabin naming dalawa ni Mau. Dala-dala ni Mark a

