Dahil sa nangyari kaninang tanghali ay hindi ako mapakali sa kakahintay kay Kuya Yosef na puntahan ako dito sa unit ko. I want him to tell me about his plans for Saisha Saavedra and their baby! Wala naman sana akong magiging problema kung silang dalawa lang ang may problema. The fact that there is already a baby involved is a different story! Sa itsura ni Saisha Saavedra kanina ay mukhang desidido talaga siyang ipalaglag ang anak nila ni Kuya Yosef. I don’t think my brother will just let her do that. Anak nilang dalawa ‘yon kaya imposibleng hayaan niya si Saisha na ipalaglag na lang basta ang bata na wala namang kinalaman sa kung anong iringan meron silang dalawa! Huminga ako ng malalim at sa sobrang pag-iisip ko ay nag-browse ako sa social media para tingnan kung sino ang kasalukuyang b

