“Let us just go back to your unit, Yuji. You are just going to intimidate Mark if you guys will stay here and watch them.” Kahit si Kai ay nakakahalata na dahil nandito lahat ang mga kuya ko sa unit ni Kuya Yke para mag-abang sa pagdating ni Mark. Ang sabi niya sa akin kanina ay papunta na siya dito para maging pormal ang gagawin niyang panliligaw sa akin. Pero ang mga kuya ko ay mas nauna pa sa akin na pumunta dito kaya kanina pa ako napipikon sa kanilang lahat! “Why would he feel intimidated? We are close. Kilala niya naman kami,” agad na katwiran ni Kuya Yuji at saka tumingin sa akin kaya nanliit ang mga mata ko at humalukipkip sa harapan niya at hindi na nakapagpigil na magreklamo. Kanina ko pa napapansin na may pinag-uusapan silang apat at mukhang tungkol ‘yon sa gagawing panliliga

