“Siob, mababaliw na yata ako dahil kay Mark…” Kanina pa ako pabiling biling sa kama dahil hindi ako makatulog. Kanina pa nakauwi si Mark pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pabalik-balik sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi pa nga tuluyang nag-si-sink in sa utak ko na gusto niya ako ay mas lalo pa akong nababaliw dahil sa sinabi niya na hindi siya nakakatulog ng maayos dahil masyadong threatened sa panliligaw ni Damion sa akin! Hindi tuloy ako makatulog at hindi mawala-wala ang ngiti ko. Kung patay na patay ako sa kanya ay ano kaya siya sa akin? Damn it! At dahil kasalukuyang nasa Washington DC si Siob at umaga doon ay hindi ko na napigilan na i-chat siya at kulitin nang kulitin. Sinabi ko sa kanya na nag-confess sa akin si Mark at gusto nang manligaw pero sa hali

