Hindi ko na alam kung paanong itatago ang ngiti ko habang nasa byahe kami pauwi sa Blue Meadows kaya tumalikod na lang ako sa gawi ni Mark at humarap sa bintana. At first, I didn’t expect that he would actually save my number that way. Saving my number in his contacts as VVIP is something that I didn’t really expect. Very Very Important Person? Sino ba naman ako para i-save niya ang number ko na gano’n? We are just colleagues, for Pete’s sake! Pero bakit gano’n ang nilagay niya sa contacts niya? Ayaw kong maging feeling importante ako sa kanya pero siya na mismo ang naglagay kaya hindi ko alam kung paano kong pipigilan ang kilig ko dito! Natigil lang ang pag-iisip ko nang narinig na tumunog ang phone ni Mark. Pasimpleng nakinig ako sa kung sino ang kausap niya dahil naka-loud speaker n

