Ito na din siguro yung tamang panahon para magkapatawaran tayo dahil baka hindi na tayo magkita pa." Sabi ko sa kanila na may lungkot. Niyakap nila akong dalawa nang mahigpit. At ganun din ako. Sa dati kong buhay ay hindi ko natatandaan na nagkapatawaran kami, magmula ng makagraduate ako ay lumayo na ako sa bayang ito at lumuwas ng manila. At kahit isa ay sa mga kaklase ko ay wala akong nakita makalipas ang mga taon. Ilang sandali pa ay tinawag na kami ni mam para muling bumalik sa pagpraktis. Masaya kaming lahat at agad naming na perfect iyon. Habang pinagmamasdan ko ang mga guro at kaklase ko ay para bang binalot ako ng kalungkutan sa loob ko, pero nakangiti ang aking mga labi. Yung habang tinitignan silang lahat ay yung pakiramdam na kahit na sandali mong nakasama ang mga taong

