Napahiga ako at sumagi sa isip ko ang kalendaryo na malapit sa lamesa. 3 araw nalang ang iniiwasan. Pero pilit kong kinakalma ang isip at sarili ko. At hindi ko namalayan na nakatulog na ako. -- Nagising akong parang ang tahimik ng bahay. Wala si mama, si papa at maging si Krissa. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko, inisip ko na nasa labas sila pero nakita kong umuulan. Sumilip lang ako saglit at baka may pinuntahan sila. "Nasan kaya sila? Baka may pinuntahan lang. Pero dapat ginising ako ni mama." Napaupo ako habang umiinom ng tubig. Para bang ang bagal ng pag ikot ng orasan. At ilang oras na pala akong nakaupo sa sala at di ko namalayan iyon. Nagtataka na ako dahil kalahating araw nang wala pa sila mama at papa kung may pinuntahan man. Ang ipinagtataka ko ay dapat nagsabi o gini

