CHAPTER 27

1298 Words

Sabi ko habang hawakhawak ang damit. "Ako din sukatin ko din po ito. Ang cute." Wika pa ni Krissa. Pumasok kami sa aming mga kwarto. Agad kong sinuot ang damit at saktong sakto lang saken. Medyo bumagay pa sa balat ko dahil medyo nakikita ang mapusyaw na kulay ng balat ko. Nagpa-ikot ikot pa ako sa maliit kong salamin at hawakhawak sa laylayan. Sabay kaming napalabas ni Krissa. Bagay din sa kanya ang damit at sakto lang din sa kanya. Para kaming dalawang prinsesa na palapit kay mama. Todo palakpak pa si mama habang palapit kami na parang bata. "Ang gaganda naman ng mga anak ko. Manang mana sa mama." Biro pa ni mama ng makalapit kami sa kanya. "Maganda ba ma?" Tanung ni Krissa at umikot ikot pa ito. Natatawa naman kami ni mama sa ginagawa ng kapatid ko. "Oo naman. Bagay na bagay sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD