"Hindi pa po ako inaantok. Saka wala naman klase na, nagpapraaktis nalang po kami nh kanta." Tugon ko pa. "Nga pala malapit na ang graduation nyo. San kaya magandang pumasok ka ng kolehiyo?" Gulat akong napatingin kay papa. "Pa. Pwede naman po na hindi muna ako mag kolehiyo, pwede muna ako magtrabaho para makatulong kahit papano sa pag aaral ni Krissa." "Yan naman ang hindi pwede anak. Hindi ko naman sinabi na pagaaralin mo ang kapatid mo. At saka, kagustuhan namin na mapagtapos kayo ng pag-aaral, gagawa kami ng paraan." Tumingin lang ako kay papa at nagbigay ng mga ngiti. "Pa, kamusta po pala ang trabaho nyo? Nakakaranas pa din ba kayo gaya nung nakaraan?" Tanung ko sa kanya para maiba anh topic namin. "Hindi na anak. Napansin ko nga na simula nung nakasama kita ay hindi na ako nak

