Napailing na lang ako at nagpatuloy sa kanina kong sinusulat. Ito ang unang araw na magpapraktis kami ng kanta para sa graduation. At masaya kong sasabihin sa inyo na ako ang Valedictorian sa klase namin. Pinapasulat ako ng guro ko na magiging speech ko para sa araw ng pagtatapos pero wala pang pumapasok sa isip kundi ang mga pambungad na pananalita pa lamang. Wala pa akong balak na sabihin kina mama at papa pero sa tingin ko naman ay alam nilang may honor ako. Nakita ko si Lance na palapit at nakangiti, para bang kinakabahan ako habang palapit sya. "Hi." Bati nya saken at umupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya. "Uy anung problema? Dapat masaya kasi isang linggo nalang ga-graduate na tayo. Magiging college na, yun ay kung palarin. Congratulations pala, top 1 ka na naman."

