"Baby, san mo nakita si tita na umiiyak?" Tanung ni keila sa bata. Tinuro nito ang nakahigang si Adeline. Binuhat agad ni Krissa ang anak at lumapit sa nakahigang si Adeline. Mabilis ding lumaglag ang mga luha ng dalawa ng makitang may luha nga sa mata nito. Hinawakan agad ni Krissa ang kamay ng ate nya at nag-umpisa na ding umiyak. Tinawag naman agad agad ni Keila ang doctor para sabihin ang nangyari. Pagdating nito ay chineck nito ang lahat ng apparatus na nandoon. "Ayos lang ba sya, doc?" Tanung ng kaibigan. "Yes. Okey naman ang lahat, her vital is normal and there's nothing to worry about." Hayag nito. "Pero bakit po ganyan? Tumutulo ang luha nya." Tanung ni Krissa na pinapahid ang sariling mga luha. "We can say na she's having a beautiful dream. Meron naman ganyan diba na k

