"Ma, pauwi na si Ate?" tanong ng walong taong gulang na Diana sa kaniyang inang kararating lang ng bahay galing sa ospital.
Mugto ang mga mata at hapis ang mukha ng ina niyang dumiretso sa drawer at nagsimulang maghanap ng damit.
"Ma," muli niyang tawag dito.
Nagulat siya nang bigla na lang siyang yakapin ng mahigpit ng ina at humagugol. Naguguluhan siya sa inasal ng mama niya.
"'Nak..." hikbi ng mama niya na humarap sa kaniya. "Hindi na uuwi ang ate mo..."
"Bakit? Saan siya pumunta?" inosente niyang tanong.
Hindi nito sinagot ang tanong niya bagkus ay muli siyang niyakap nito at muling umiyak.
Hanggang sa makita na lang ng batang Diana na nasa loob ng isang pahabang puting box ang ate Bia niya, kagaya nang mga patay na taong napapanood niya sa tv. Maraming bulaklak sa paligid at may mga taong nag-iiyakan.
Hindi niya maintindihan ang konsepto ng kamatayan kaya hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Marami siyang katanungan sa ina pero hindi masagot dahil sa pagiging abala nito. Hanggang sa makalimutan na lang niyang itanong.
Anim na taon ang lumipas, nasa ganoong posisyon na naman si Diana. kagaya noong 8 years old siya. Nasa harapan ng puting ataul na napapaligiran ng bulaklak at mga taong kilala niya at hindi niya kilala na nasa mga mukha ang pagkaawa at lungkot. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na picture ng ate niya ang nasa ibabaw ng ataul kundi picture ng nanay niya. Namatay ito sa sakit na hindi naagapan dahil sa kakulangan sa pera kagaya na lang ng sa ate niya.
"Nakikiramay kami, Diana." sabi ng babaeng kahit kailan ay di niya pa nakikita.
"Salamat po." tangi niyang sinabi bago walang emosyong muling humarap sa ataul.
Kagaya noong bata pa siya ay hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Gusto niya din magluksa tulad ng mga taong nandoon pero hindi niya mahanap ang lungkot. Ni hindi niya mahugot ang luha para gawin 'yon kahit na ang ina niyang mag-isang nagpalaki sa kaniya ang nawala. Siguro dahil pagkatapos mamatay ng ate niya ay unti-unti nang lumayo ang loob ng nanay niya. Wala na itong ginawa kundi magtrabaho na lang. Minsan pinapaiwan siya sa kapitbahay pero nang matuto na siyang asikasuhin ang sarili ay madalas na siyang mag-isa sa bahay. Hanggang isang araw, sinabi ng doktor na ihanda na niya ang sarili dahil hindi na magtatagal pa ang buhay ng kaniyang ina.
Tuluyan na siyang naging mag-isa.
Hanggang sa mailibing ang mama niya at siya na lang ang natitirang nakatayo sa harap ng puntod ay wala kahit isang luha ang pumatak sa mata niya. Ni hindi siya nakaramdam ng takot. Katanungan ang tanging naiwan.
Natakot bang mamatay ang ina niya dahil maiiwan siyang mag isa?
O kaya, anong naramdaman ng mama at ate niya nang maramdaman nilang malapit na silang mamatay?
Sa buhay ni Diana, mas maraming beses pa na pumunta siya sa burol ng mga taong hindi niya kilala kesa sa birthday o masasayang okasyon.
Iniisip niya na marahil sanay na siyang makakita nang gano'ng tagpo. O dahil wala na siyang nararamdamang attachment sa yumao.
O kaya siguro walang puwang ang pagluluksa sa kaniya dahil mas matimbang sa isipan niya ang kaalamang dahil sa pagkawala ng mama niya ay kailangan niyang buhayin ang sarili dahil wala siyang ibang taong maasahan.
Napakaraming "siguro" na hindi alam ni Diana kung saan hahagilapin ang sagot para maging sigurado.
***
"Until death comes knocking on your door, you have no idea what fear is."
Hindi akalain ni Diana na sa kalagitnaan ng takot, hingal at pagod ay maaalala niya ang nakaraan at ang mga katagang iyon na sinabi ng asawang si Chronos.
"Nasaan na?! Hanapin ninyo!"
Diana was hiding behind an enormous tree when she heard the man say this. Her body trembles in a cold sweat, her knees go weak, her chest beats rapidly, and she covers her mouth to prevent herself from breathing strongly or making any sound.
Hindi niya alam kung bakit may mga lalaking naghahanap sa kaniya at gusto siyang patayin!
Sino sila?! Bakit nila ako gustong patayin?!
Mga katanungan ni Diana sa sarili.
Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang magising si Diana sa maliit na ospital na kinalalagyan niya. Masakit ang katawan, may mga sugat at gasgas at gulong gulo ang isip niya nang magkamalay. Kaagad niyang hinanap si Chronos pero ang lumapit sa kaniya ay isang doktor.
"Sa tingin namin ay isa ka sa mga survivor ng nag crashed na eroplano na malapit dito. Dalawang araw kang walang malay at wala kang kahit anong pagkakakilanlan kaya hindi namin alam kung sinong ko contact-in."
Naaalala niyang sabi ng doktor.
"Nag crashed na eroplano? " naguguluhan niyang tanong. "W-Wala akong natatandaan na sumakay ako sa eroplano doc. Nasaan ang asawa ko? Kasama ko siyang nakasakay sa kotse."
Sabay na nagkatinginan ang doktor at nurse na kasama niya.
"Ma'am natatandaan mo ba kung anong date ngayon?" Out of the blue na tanong ng nurse sa kaniya.
"It's December 24, 2023, right?"
Biglang bumaling ang nurse sa katabi niyang doktor na nakatingin naman sa kaniya.
"December 25 po ngayon...pero hindi 2023 kundi 2024." pagtatama ng nurse.
Nagulantang siya sa narinig. Sandali naman na natahimik ang doktor.
"I think you have temporary amnesia. But we'll run some tests again to know if there are some complications." pinal na sabi ng doktor bago siya iwanan ng mga ito.
Hindi siya makapaniwala at napahawak bigla sa ulong kumirot. Doon niya lang napansin na may benda ang ulo niya. Kahit masakit ang ulo ay binuksan niya ang tv sa kwarto at inilipat sa channel na may balita. Sakto namang binanggit ng anchor ang date ngayong araw kasunod ang balita ng eroplanong nagcrashed sa gubat.
Binabanggit nito ang mga survivor at nakapaskil naman sa gilid ng screen ang mga pangalan ng mga nasawi at ang mga hindi pa natatagpuan, kasama na siya do'n.
Chronos Luis De Leste.
Napasinghap si Diana sabay takip sa bibig nang mabasa niya ang pangalan ng pinakamamahal na asawa sa mga yumao.
Nang sumunod na araw ay mas nadurog ang puso niya nang malamang hindi na makilala ang katawan ng ibang pasahero dahil sa matinding pagkasunog. Na kumpirma lang ni Diana na si Chronos nga ang sunog na bangkay dahil sa wedding ring nila.
Ngayong araw nga ay pabalik na siya sa Manila nang bigla na lang pumasok sa private room na kinalalagyan niya ang mga lalaking hindi niya kilala. Nagpasiya siyang magpahangin sa labas at nakita ang mga ito noong pabalik na siya. Nakatakas lang siya dahil wala siya sa loob ng silid no'ng dumating ang mga ito.
Instinct ang nag utos sa kaniya na umatras at lumayo sa lugar na iyon pagkatapos niyang makita ang mga lalaki. Sa pagtatago ay narinig niyang balak siyang patayin ng mga ito.
Hindi niya alam kung bakit siya gustong patayin ng mga ito at kung sino ang nasa likod ng utos na 'yon. Dalawa lang ang malinaw sa kaniya, she is not safe here, and she needs to get out of this place!
May isa lang siyang problema. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at hindi magandang ideya ang bumalik sa bahay nila dahil kung nahanap siya ng mga taong iyon sa liblib na lugar na ito, paano pa kaya sa sarili niyang tahanan?
Sa muling pagpikit at pag inda sa sakit ng mga sugat sa paa ay isang imahe ang sumalubong sa kaniya.
Ang panganay na kapatid ng asawa.
Si Cassius Leon De Leste.
Diana hasn't seen Cassius since her wedding to Chronos two years ago, but he was the only person she could think of who could help her at the moment, despite the fact that the last thing she heard from him was "run."
Now, she's running for her life.
Ito ba ang ibig sabihin ni Cassius sa sinabi nito?
It's ironic that before she didn't understand the concept of death, but now that death is knocking on her door, she can only think of one thing, nothing else but to live.
And that leaves her with no choice but to knock on the door of hell.