The run away.
"Please, kailangan kong makausap si Cassius!"
Hinaing ni Diana sa intercome na nasa harapan niya. Kausap niya ang isa sa mga security sa mansion ng mga De Leste.
"Can I have your name, ma'am?" tanong ng boses lalaki mula sa intercome.
"Diana! Diana Magdelino De Leste! Asawa ako ni Chronos!"
"Alright ma'am. Kindly wait for a second."
Shit! s**t! s**t! I can't wait anymore!
Mura ni Diana sa isip habang nanginginig ang mga kamay na nakakuyom. Panakanakang lumilingon sa kaliwa't kanan para makita kung may mga tao bang nakasunod sa kaniya.
"I'm sorry ma'am, we can't let you in since you don't have an appointment with Mr. Cassius."
"No—No!" panic ni Diana. "Please! Just tell him na nandito ako! Please! Just tell him na I need to talk to him so badly!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Diana sa kabilang linya.
"Tell him that I know who killed his brother!" huling alas niya.
Bulalas niya dahil sa kadesperaduhan.
Ilang segundong hindi nagsalita ang nasa intercome. Tila ba tumigil din sa paghinga si Diana. Iyon na yata ang pinakamahabang segundo ng buhay niya.
Pagkalipas ng isang minuto ay may narinig siyang tumunog galing sa mataas na gate na gawa sa steel. Hindi kita ang pinakaloob. Pakiramdam ni Diana ay parang gate sa langit ang nasa harapan niya nang unti unting bumukas ang itim na gate.
Laking pasasalamat niya sa taas!
Nang tuluyan nang bumukas ang gate ay napaatras si Diana dahil bumungad sa kaniya ang mga armadong lalaking may mga malalaking katawan.
"Hello, Miss Diana." nakangiting bati sa kaniya ng isang lalaking naiiba ang suot sa lahat. Naka black suit ito habang ang iba ay naka black longsleeve at kargado ng iba't ibang armas. Malayo ang light na aura nito sa mga kalalakihang naroon.
"I am Seb. I'll take you to Mr. Cassius."
Inalalayan siya nitong makapasok sa loob at sumalubong sa kaniya ang napakalawak na lupain at hindi niya mabilang na mga puno ng mangga. Hanggang sa makasakay siya sa isang golf cart ay nakaalalay si Seb. Sumakay ito sa driver's seat at pinaandar iyon. Naiwan ang mga armadong lalaki.
Sa kabila ng kaba ni Diana dahil walang kasiguraduhan kung may mapapala ba siya sa buwis buhay niyang pagpunta sa lugar na iyon ay di maiwasan ni Diana ang mamangha habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.
Alam niyang mayaman ang pamilya ni Chronos na siyang asawa pero ito ang unang beses na nakatapak siya sa lugar na ito. Ni hindi niya matanaw ang pinakadulo ng malawak na lupain.
Get a grip, Diana! Wala ka dito para mag sight seeing!
Saway niya sa sarili. Pinuno niya ng hangin ang baga saka muling inisip ang mga sasabihin niya sa oras na makaharap niya ang nakatatandang kapatid ni Chronos na si Cassius. Sa pagpikit ay nagbigay ng kilabot sa katawan niya ang alaala ng matatalim na titig ni Cassius.
C'mon, Diana! He's the only way for you to survive! Don't get intimidated!
Paalala niya sa sarili.
"Kindly wait here, Miss, Mr. Cassius will arrive soon. In the meantime, perhaps do you want some refreshments like tea or coffee?" accomodating na alok sa kaniya ni Seb.
"J-Just water, please..." kinakabahan niyang sabi.
Yeah. I need it for me to calm down before meeting that man.
"Alright." nakangiti nitong sagot bago tuluyan na siyang iniwan.
Humugot ng napakalalim na hininga si Diana habang pinagmamasdan ang kabuoan ng marangyang silid na kinalalagyan niya.
Para mabawasan ang kaba sa paghaharap nila ni Cassius ay inilibot ni Diana ang paningin sa buong silid na sa tingin niya ay ang opisina ni Cassius.
Tatlong kulay lang ang makikita mo sa interior. Itim, puti at dark brown. Kahit ang mga furniture kagaya ng dalawang one seater leather na upuan–na ang isa ay inuupuan niya ay kulay itim. Parang sinadyang pang isang tao lang ang accomodation dahil sa limitadong upuan. Walang gaanong abubot bukod sa malaking cabinet na puno ng libro, mahogany desk, at nag iisa pero pagkalaki-laking destroyed, realistic wall painting na nasa likod ng swivel chair.
Even the whole room is intimidating yet elegant.
"Just like the owner..." pabulong niyang sabi.
And tanging contrast sa mga kulay na nasa loob ng silid ay ang tanawin sa labas ng glass curtain wall. A breathtaking display of colours, ranging from vivid reds and oranges to delicate pinks and purples, is painted on the sky as the sun gradually dips below the horizon.
Gazing at the magnificent view eases her anxiousness.
"I warned you to run away, but this is not where I expected you to go."
A deep voice came from behind Diana that startled her.
Diana turned around to see the same cold, piercing eyes she had seen two years ago.
Those pair of amber eyes that send shiver down her spine remind her of Chronos. Though the siblings share the same shades. Mas soft nga lang ang kay Chronos habang kay Cassius ay parang kang lalamunin ng buo.
"Nakalimutan mo na din bang magsalita?" Sarkastikong sabi ni Cassius na naupo sa swivel chair.
With that realistic painting behind him, para itong hari na umupo sa kaniyang trono.
Kailangan pang kurutin ni Diana ang hita para lang makakuha ng lakas ng loob.
"You need to help me." bungad niya sa pagbukas ng bibig.
She said that with full conviction. She fought to suppress the fear that was attempting to subjugate her courage.
Hindi nagsalita si Cassius bukod sa bigyan si Diana ng titig na tila ba nagsasabi na bakit kailangan niyang gawin ang sinasabi ni Diana.
"Alam ko kung sinong pumatay kay Chronos."
"The police said it was an accident." sagot ni Cassius kay Diana habang nagsisindi ng sigarilyo.
"And you believe them?!"
"And here I thought na may temporary amnesia ka."
Diana grips her dress as she feels the cold in his voice.
"H-Hindi pa bumabalik ang alaala ko." Diana said in a low voice, almost a whisper.
"May mga taong gustong pumatay sa 'kin. As if they want me to shut up. Why? What did i do? Who are they?Nasa nawawalang alaala ko ang sagot. But one thing is for sure, hindi aksidente ang nangyari sa 'min ni Chronos. If they were after me, then that means I know them."
Diretsong nakatingin sa mata niya si Cassius habang nagsasalita siya pero hindi niya mabasa ang emosyon nito dahil blangko.
"Let say na what happened to both of you is not an accident. And why should I care?"
Parang sinipa sa dibdib si Diana sa narinig kay Cassius. Hindi siya makapaniwala.
"Chronos is your brother—"
"Since the day Chronos left this house to pursue his bullshit dream, he is no longer a member of the family. Remember? O pati yan nakalimutan mo?"
Hah! Hindi ko yan nakalimutan but—why am I even surprised? I'm speaking with the most merciless and coldest person I've ever met!
Did Chronos know this beforehand? Na ganito siya ituring ng sarili niyang pamilya? Is this the reason he was so keen to start a family of his own?
She wanted to weep for Chronos, but she restrained herself.
She needs this man.
Diana, remain strong! To find out the truth, you must live!
If her original plan doesn't succeed, then she has no choice but to resort sa nag-iisa at huli niyang alas niya.
Muli niyang hinarap si Cassius. Nasa mata ang determinasyon na hindi siya lalabas ng mansiyon na to na walang mapapala.
Sa nanginginig na tuhod pinilit niyang humakbang papalapit sa kinaroroonan ni Cassius hanggang sa ang malaking mahogany table na lang ang naglalayo sa kanilang dalawa.
"Hindi ko 'yon nakalimutan."
"Then this conversation is over." pinal ni Cassius na sabi.
"But you still need to help me." Mariin ang mga salitang binitiwan niya.
He let out a very impatient sigh. "I'm a really busy man, Diana. Unless it's business related or I stand to benefit, I have no time for this bullshit."
"You can have me."
Pinanood ni Diana kung paanong natigilan ito sa dapat paghithit sana sa sigarilyong sinindihan dahil sa sinabi niya.
"What?" salubong ang kilay nitong tanong.
Diana took a deep breath before striking her final blow.
"I know that you want me. Then you can have me. All of me."