Suminghot ako habang nag pupunas at nagpapa-tuyo ng buhok hanggang ngayon hindi parin matanggal ang ngiti sa labi ko.
Nabalik na lang ako sa ulirat ng may nadinig akong nag-text sa akin, hinagilap ko agad ang cellphone ko at pinasadaan.
Nakita ko agad ang pangalan ni joaquin, pumikit ako at pinigilan ang aking tili.
Joaquin :
Are you home now?
Tuluyan na akong napatili ng malakas at gumulong sa kama.
Ako :
Yes.
Naghanap ako ng hangin para makahinga ng maluwag tila sumisikip ang dibdib ko sa sobrang saya.
Joaquin :
I'm glad .
Tinitigan ko ang kanyang mensahe at nag-iisip ng maganda irereply sa kanya.
Ako :
Did you go home too?
Mariin ang titig ko sa screen habang naghihintay ng reply niya.
Joaquin :
Yes, make sure you take a bath.
Ngumuso ako at nagpipigil ng ngiti, para bang may mga paro-paru na lumilipad sa tyan ko.
Ako :
Yes, I am
Wala pang ilang minuto ay nag-reply agad siya.
Joaquin :
Good to know, goodnight
Umayos ako ng pagkakahiga at agad na nagreply.
Ako :
Goodnight seeyou tomorrow.
Nakapikit na ako pero hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko, tuluyan na akon'g nakatulog dahil sa init na nararamdaman ko.
Nanginginig ako at ramdam ang init sa buong katawan ko ngunit pinilit ko parin dumilat.
Hinilot ko ang aking sentido at dahan-dahan bumangon, napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Suminghot ako ngunit barado din ang aking ilong dahil sa sipon. Inis ako sa aking sarili bakit ngayon pa ako magkakasakit biyernes ngayon, may dalawang araw na hindi ko makikita si joaquin.
Nakatulala ako dahil hindi ako makabangon para makapag-ayos ng sarili, dahil napakasama ng pakiramdam ko.
Napabaling ako ng biglang pagbukas ng aking pintuan. Pumasok si mommy at agad na lumapit sa aking kama.
"Belle bakit hindi kapa Bumabangon hinihintay ka ni marcus."Sabi ni mommy sabay haplos sa aking noo at leeg.
"May lagnat ka anak!"
"I'm fine mommy." Sambit ko sabay bangon para makapag-ayos na ng sarili.
"Anak magpahinga ka muna ipapahanda ko ang pagkain mo, ano ba ang ginawa mo nagpaulan ka kahapon?"Nag-aalala tanong ni mommy.
".... Ang sabi ni Mang boy hindi ka na raw nagpapasundo?"
Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni mommy pinilit niya muna ako humiga at mabilis siyang lumabas.
Pumasok ang mga kasambahay namin sa loob ng kwarto ko para sa aking pagkain at gamot .
"Mataas ang lagnat mo magpapadala ako ng excuse letter sa school mo." Sambit ni mommy pagkatapos icheck ang temperature ko.
Tumango ako at humigop ng mainit na sabaw tila wala akong gana kumain, nang matapos ay uminom na rin ako ng gamot at nagpahinga ulit.
"Anak tawagin mo sila manang kapag may kailangan ka, papasok na muna ako baka hinahanap na ako ng mga tita mo."Sabi ni mommy sabay haplos sa aking buhok.
Ngumiti ako at nagpaalam, nang makalabas na si mommy ay pilit kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si andrea.
"Where are you?."Tanong ni andrea ng masagot niya ang tawag.
Dati dinadahilan ko sa kanya na may sakit ako, samantalang ngayon nalulungkot ako dahil hindi ako makakapasok dahil may sakit talaga ako.
"I'm sick." . Sabay ubo ko.
Narining ko ang malakas na halakhak ni andrea sa tawag ."Tinatamad ka nanaman pumasok ano?!"
Muntik ko ng makalimutan ito nga pala ang dinadahilan ko sa kanya kapag tinatamad akong pumasok.
"No, it's true may sakit talaga ako." Pagpapaliwanag ko.
"Seriously, pupuntahan kita mamaya." Biglang nagbago ang tono ng boses niya at tila naniniwala na sa akin. "...Papahiramin din kita ng notes ko later get well.".
"Okay."
Ibinaba ko na ang tawag at nagpahinga ulit, pinilit kon'g matulog ngunit naiinis parin ako sa aking sarili darating ang sbado at linggo na hindi ko siya makikita.
Pero yung nangyari kagabi kapag naalala ko, hindi ko ipagpapalit iyon sa kahit ano kahit pa nagkasakit ako ngayon worth it lahat.
Yung ngiti niya at pag-aalala grabe! Nakakatunaw ng puso.
Nakaidlip na lang ako sa pag-iisip sa kanya, wala akon'g ibang ginawa buong umaga kundi magpahinga at kumain.
Mabilis kong minulat ang aking mata ng nadinig kon'g kumatok ang aming kasambahay. Napabangon ako at medyo Bumuti na ang pakiramdam ko.
Alas tres na ng hapon ng makita ko sa orasan. Kinusot ko ang mata ko at tumayo.
Binuksan ko ang aking pintuan."Bakit po manang?."
"May bisita ka nasa ibaba classmate mo"Sabi ni manang.
Tumango ako at wala ng balak pang mag-ayos. Mukhang si andrea lang naman iyon. kahit Napakagulo ng buhok ko at mukhang may muta pa. Okay lang.
Walang gana akong bumaba nang hagdan. Nang tuluyan na akong makababa ay bigla akong natigilan ng makita si Joaquin na tahimik at seryosong nakaupo sa aming sala.
Naabutan niya akong gulat, mabilis akon'g tumalikod, dahil inayos ko ang aking magulong buhok, hinawakan ko ang aking mata nagpasalamat naman ako na wala akong muta.
Nakakainis bakit ngayon pa? Ang panget ko!
Humarap na ako at naabutan siyang nakatayo na at naghihintay sa akin. Lumapit agad ako sa kanya.
Pinasadaan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko rin ang aking sarili at naalalang naka Silky night terno pala ang suot ko. Napakamot ako batok sa hiya.
Nahuli ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi, Naka black plain t-shirt sya at maong pants at tinernuhan nya ng White sneakers shoes.
Napakasimple pero ang lakas ng dating nya. Napapikit ako ng maamoy ang bango nya.
Nakakainis ang bango bango nya samantalang ako hindi man lang nakapag ready kung alam ko lang na darating siya.
Binigay niya sa akin ang isang paperbag tinignan ko ang loob at nakitang may mga iilang gamot at isang stainless na tumbler.
"Pharmacist ang auntie ko. Mabisang gamot sa ubo ang Ginger tea." mahinahon niyang sambit.
Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagtataka, Paano kaya niya nalaman na may sakit ako?
"Thank-you."Nauutal kong sambit.
Tumango siya at tahimik na nakatitig sa akin, kumakalabog nanaman ang puso ko. Ito ang lagi kong nararamdaman sa tuwing nakakatitig siya sa akin.
"I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit nagkasakit ka. "Bigo niyang sambit .
Kunot-noo akong bumaling sa kanya at hindi parin nagbabago ang ekpresyon ng mukha nya. Seryoso parin at puro pagsisi
" Huh? Hindi mo naman kasalanan."Sabi ko."Ganito ako tuwing nagkakasakit bukas magaling na rin ako."Sambit ko sabay ngiti.
Sinundan ko ang Pag-iwas nya ng tingin nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya.
"How's your Feeling?." he asked
Minsan masungit, mayabang, napaka antipatiko madalas pa ang pagiging malamig. Kaya ang makita ang pagiging thoughtful niya hindi ako sanay.
Ano kaya maganda yung masungit siya o yung mabait?
"I'm fine, don't worry ."
Lumapit siya ng bahagya at dumapo ang kanyang palad sa aking noo, nagkatitigan kaming dalawa.
"Have you taken your meds?" he asked.
"Yes." Sagot ko at tuluyan ng natunaw ang puso ko dahil sa kanya para akong nakalutang sa ere at para akong sasabog sa sobrang saya.
Ngumuso ako para pigilan ang aking mga ngiti. Hindi ko pagsisihan na nagpaulan ako at nagkasakit worth it lahat kung kasama siya at kung ganito pa ang pag-aalala nya.
"I'm really sorry." he said gently.
Parang bumabalik pa ata yung init ng pakiramdam ko.
Naramdaman kon'g seryoso siya sa mga sinabi niya. Si joaquin yung tipong walang pakielam sa iba.
Pero ngayon ko lang narealize napaka caring nya pala!