CHAPTER 9
Malayo ang tingin
Wala namang tinatanaw
At kapansin-pansin
Sa bawat kilos niya′t galaw
I heard Micah giggling, I turned to face her and she is sitting on a chair near the dining table. Naka-cross legs pa siya at nakahalukipkip. “Ang pangit ng boses mo, huwag mo nang ituloy ang pagkanta baka sumama pa ang panahon.” I glared at her.
“Nakakatuwa ka lang pagmasdan insan, pinoproblema mo talaga yung tawag sa’yo ng Mama mo kagabi.” Tumawa siyang muli, nakakainis! Hindi na nga ako pinatulog ng impormasyon na ‘yon, dumagdag pa ‘tong pinsan ko. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
Sinigurado ko munang nakaayos na ang aking laptop at bag bago tumayo galing sa pagkakaupo sa sofa. “I should go now,” I didn’t bother to respond to Micah about what she said. Ngunit nang nasa pinto na ako ay bumaling ulit ako sa kanya. “I will let the fate do it’s magic, kung magkikita man kami one of this days bago ang birthday ng kapatid ni Ricky. I’ll accept his proposal.”
Micah’s face is filled with both shock and amazement. Kumindat ako sa kanya at lumabas na ng unit namin. Too bad, dahil ilang araw na rin ang dumaan at hindi naman nagparamdam si Jaxon. Although I’m not expecting anything, knowing that he has a proposal, shouldn’t he be pestering me to find out if I’ll say yes or not?
Arg! My head hurts!
Sinalubong ako ni Mrs. Sarah, ang Community Outreach Coordinator. I'm already five minutes late dahil nasiraan pa yung taxi na sinakyan ko at naabutan pa ako ng traffic. I guess this isn’t my day.
“They are already inside, Ms. Sophia. But don’t worry hindi pa nagsisimula ang meeting dahil ‘yung kasama nila ay papunta pa lang din.” She said, smiling.
Tumango ako sa kanya at nagtungo na kami sa common area ng shelter. Pagpasok namin ni Mrs. Sarah, nakita kong nandoon na ang Shelter Director ng New Beginnings Shelter. Present na rin sina Ma’am Robina at Ma’am Yasa, ang Program Manager at Social Worker ng shelter. Aside from being a volunteer here, I’m also the Volunteer Coordinator. Kinakausap na rin ng Development Coordinator ang tatlong bisita.
I opened my laptop and looked for the presentation needed to present during the meeting, I connected it to a large TV screen through HDMI. While I was busy preparing I couldn't help myself but to yawn. Gosh! Inaantok na ako, ‘yung sakit din ng ulo ko ay ‘di pa rin nawawala parang gustong mabiyak. As much as I want to be here and help them present, kailangan ko munang matulog at uminom ng gamot.
Nilapitan ko si Mrs. Sarah and explain to her what was going on. Naiintindihan niya naman ‘yon kaya lumabas na agad ako pagkatapos. Tumunog naman ang phone ko kaya tumigil muna ako sa paglalakad at tinignan ito. May huminto namang kotse sa gilid ko pero ‘di ko na ‘yon pinansin.
“Drich?”
“Hey, you’re absent. What happened?”
Pinisil pisil ko muna ang ulo ko. “U-uhm, nasa shelter ako ngayon. May meeting kasi dahil may gustong mag-collaborate sa shelter.” Humikab na naman ako.
“I see, kailangan mo ba ng tulong diyan?”
“Hindi na,” Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa clinic. “I need to hang up, Drich. I’ll see you tomorrow.”
After we ended the call, I knocked on the clinic door. I saw Belle, the nurse in charge, and told her that I wanted to rest for a while. I also asked for some medicine for my headache. She kindly let me lie down and sleep.
***
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog. Iminulat ko ang aking mga mata at inalala yung meeting. Tapos na kaya silang mag-present? I think I should go there and check. Nawala na rin naman yung sakit ng ulo ko.
Inayos ko muna ang aking itsura, naririnig kong may kausap si Belle, baka may nagpapa-check-up sa kanya. Kinuha ko ang aking shoulder bag at hinawi ang curtain divider ng clinic.
“Belle, a-alis— Jaxon?!”
“Gising na pala siya, Sir. Maiwan ko na muna kayo.” Belle said and a mischievous smile formed in her face. At bakit siya ngumiti ng ganon?!
“I-I should go check if the meeting has ended.” saad ko ng nakayuko.
I saw his body turn to me. "Bakit hindi ka makatingin sa akin?"
Sinubukan kong iangat ang aking ulo para matignan siya pero hindi ko mapigilang mahiya? Nahagip ko naman ang aking laptop na ginamit sa meeting, that’s the time I finally look at him at tinuro ‘yon.
“Tapos na?”
I guess he understand what I asked dahil tumango siya. Nagulat naman ako ng maingat niyang hinawakan ang braso ko at dinala sa bakanteng mesa na may nakapatong na dalawang pack lunch. Hinila niya ang upuan para umupo ako at ganun din ang ginawa niya at umupo rin. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Mama.
“Jaxon, we need to talk.”
“We will talk, but first let’s eat our lunch. One-thirty na ng hapon, ‘di ka pa kumakain. And look at your under-eye, hindi ka ba nakakatulog ng mabuti? Kaya ba sumakit ang ulo mo?” Sunod-sunod niyang tanong. He sounded concerned and worry was visible on his face.
Parang boyfriend kung umasta, ah. Kung maka-react, akala mo may label kami.
“Bakit hindi ka pa kumain kung tapos na ang— Wait, kasama mo ba y-yung mga gustong mag-collaborate sa shelter?”
He nodded, “Yeah. They are all my friends, ‘yung dalawa ‘don is engineer and ‘yung isa ay architect. Lahat silang tatlo may mga asawa na.”
‘Di ko inasahan yung huling sinambit niya, ano naman ngayon kung may mga asawa na? Wala namang nagtanong.
“Pinaalam ko lang sa’yo. They are good-looking men; imposibleng hindi mo sila hahangaan.”
I arched my right eyebrow, “Huh?” Nabasa niya ba ang iniisip ko? Sinenyasan ko siyang tumahimik. “Iniiba mo ang usapan. Mas importante ‘tong sasabihin ko.”
Hindi siya umimik at seryosong nakatingin sa akin. Nakakailang pero kailangan ko itong sabihin sa kanya.
“May relative akong nakakita sa atin at nakilala ako.”
“So?” He said with a poker face. Hanep, ako ‘tong nag-aalala sa magiging sitwasyon pero siya chill lang? “Is there a problem?”
“Meron, sinabi ng relative ko na ‘yon kay Mama na boyfriend kita kahit hindi naman.” I was taken aback when I saw a little bit of sadness in his eyes. Lumabas na sa bibig ko ‘yon, ‘di na pwedeng bawiin. “K-kaya ganito ang nangyari sa mata ko, hindi ako nakatulog sa kakaisip. Gusto kang makilala ni Mama, since birthday ng kapatid nung nakakita sa atin, isama daw kita. Kaya sumakit din ang ulo ko.”
“Bakit mo ba pinoproblema ‘yon? Natatakot ka bang mahulog sa akin?” Iba rin ang self-confidence ng lalaking ‘to.
“Of course, not!” agap ko sa banat niya. I’m glad I didn’t stutter.
“Then I will still stick with my proposal,” sabi niya at sumandal sa upuan. “Sinabi ko na sa’yo, this is for your own good. Malay mo pagkatapos nilang makita tayo na magkasama, titigilan ka na nilang kulitin.” Umawang naman ang bibig ko. “And as long as that guy named Ronald is around, you’re not safe,” dugtong niya.
Sa ngayon na hindi pa kami masyadong malapit sa isa’t isa, masasabi kong malabo pang magkagusto ako sa kanya. Yes, may mga gesture siya na nagugustuhan ko, pero paano kung ganun lang talaga siya? Baka kung mahuhulog na ako, ‘di man lang niya ako sasaluhin.
A thought suddenly popped into my mind—what I said to Micah earlier. What sorcery is this? Is the magic of fate really working?
***
Jaxon insisted on driving me home. Nang maisara na niya ang makina at mapatay ang headlight ng kotse, natanaw ko sa 'di kalayuan ang lalaking inakala kong hindi na magpapakita—si Ronald. Humihithit siya ng sigarilyo, mukhang naghihintay at hindi maganda ang intensyon.
"s**t!" I cussed under my breath, my heart racing with a mix of fear and anger.
"Your mouth, Sophia. Don't worry, I'm here. Hindi kita papabayaan." Jaxon assured me and gently patted my head.