CHAPTER 13
“You’re quiet. It’s okay if you go with him,” Jaxon said in a flat tone. Ano na naman ‘to? Namumuro na ako sa stress ngayong araw, tapos dadagdag siya. Hindi ako umimik, kakapasok ko lang sa kotse niya pero parang gusto ko na bumaba ulit. “He’s still there,” sabi pa niya, provoking me. Kung hindi niya pa in-start ang makina ng sasakyan ay bababa na talaga ako.
Humugot ako ng malalim na paghinga, trying to calm myself and avoid engaging with his immature side right now. ‘Di ko akalaing may ganito pala siyang karakter, but my mind is contradicting my thoughts and wants to strike back.
I saw Aldrich turn his head towards the car we're in, and a few seconds later, he sped off, disappearing almost instantly.
“Sayang, ‘di mo na siya naabu—”
“Jaxon, can you please stop?!” I couldn’t take it anymore—I was at my breaking point, and I finally exploded, which clearly shocked him. “I really thought I could unwind and release my stress because I’m with you, but you’re just making it worse!” I bit my lower lip, trying to hold back my tears, not wanting him to see me cry. But my tears betrayed me, and they slipped down my cheeks. I quickly wiped them away and grabbed the handle of his car door.
“I-I’m sorry, Sophia…” His voice softened, but I could hear the panic in his tone. He reached out to grab my hand, but I pulled away.
“Magpapasundo na lang ako kay Micah. Umuwi ka na.” I said firmly. Bumaba na ako sa sasakyan at hindi na siya nag-atubiling sundan ako.
***
“Para saan pa at susundan ka niya? Kayo ba?” natatawang tanong ni Micah habang inilalagay ang snifter glass sa maliit na mesa at isinasalin ang Emperador Light dito. Umupo siya sa bakanteng standing basket patio chair na may unan. Pareho naming pinagmasdan ang city lights habang iniinom ang brandy sa balcony.
Nilagok ko lahat ng laman na meron doon sa baso at sinandal ang aking likod sa upuan. Pinatong ko ang aking mga paa sabay yakap sa aking tuhod at doon ko naramdaman ang epekto ng alak na iniinom ko. “Hindi ko lang ma-gets kung bakit siya umasta ng ganon, maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kanina habang nag-la-lunch kami tapos ‘nong pauwi na naging iba na siya.”
“‘Di mo pa talaga gets sa lagay na ‘yan, ha. Insan, it’s too obvious. He got jealous when he saw you and Aldrich. Bakit pa kasi magpapanggap kung pwede namang totohanin na lang? In denial ka lang na wala kang nararamdaman para sa kanya, pero ang totoo, unti-unti ka na ring nahuhulog.” Rebat ni Micah at muli niyang nilagyan ng laman ang baso at tinignan ako ng seryoso.
Tinungga ko muli ang alak at yumuko. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nalasing, pero sigurado akong nagsisimula nang umepekto ang alak dahil nahihilo na ako kahit nakakadalawang baso pa lang ako. “Naguguluhan ako sa nangyayari, Micah.” Kinuha ko ang bote ng brandy, ibinuhos ang inumin sa baso, at agad ko itong tinungga ulit ng walang pag-aalinlangan. Tanging mahinang tawa na lang ang ginawa ni Micah.
Nasapo ko ang aking ulo nang magising dahil sa liwanag na galing sa labas ng balcony. Bakit ba hinawi ang kurtina, kita namang natutulog pa ang tao.
I groaned while massaging my head. “Micah, naman… patulugin mo muna ako.”
“You should drink this, para mawala ang hangover mo.”
Natigil ang pagmasahe ko sa ulo nang marinig ang boses niya. What is he doing here? Dahan-dahan akong umupo, inalalayan niya ako para sumandal sa head board ng kama at kinuha ang isang tasa ng kape at inabot ‘yon sa akin.
“Thank you,” saad ko habang kinukuha ‘yon. “Anong ginagawa mo dito, Jaxon?”
Tinignan niya ako sa mata, at kitang-kita ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. “I’m sorry for my immaturity last night, Sophia. Alam ko naman na wala akong karapatan, ngunit nagselos lang ako.” Pag-amin niya, may halong pagkaseryoso sa boses niya. “Hindi ko na sana dapat ipinakita ang selos ko, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko,” dagdag niya, habang ang mga mata niya ay puno ng pagsisisi. “Nais ko lang sanang malaman mo na importante ka sa akin.”
“Importante ka rin naman sa akin, Jaxon,” pag-amin ko rin, na may halong pag-aalala sa aking tono. Kahit na huli na para malaman ito, totoo naman, at hindi ko na kailangan itago pa. “But I do not want to rush things, alam mo naman ‘yun, diba?” I said softly, holding his gaze. Napansin kong natigilan siya sa narinig at, hindi kalaunan, umupo siya sa tabi ko. Marahang hinaplos ang aking pisngi, at tinanggap ko ito dahil naramdaman kong may kapayapaan. “I can’t believe that I witnessed that side of yours,” ngumiti ako, at ang simpleng ngiti na iyon ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mapangiti rin siya.
“I’m just glad you didn’t push me away,” Jaxon said with a soft smile, his thumb gently brushing against my cheek. “I know I can be a bit too much sometimes, but I promise to take things slow—only if it means keeping you in my life.” His voice was tender, laced with sincerity. “And as for that side of me... it only comes out when it’s about you. But I’ll change that because I trust you.” He chuckled lightly, a hint of vulnerability in his eyes.
We were just staring at each other when Micah suddenly entered my room, holding a cat in her hand? Kailan pa kami nagka pusa dito sa condo?
“Gising na pala ang lasinggera mong nanay, Milo.” hinagod ng pinsan ko ang tuktok ng ulo ng pusa.
I gave Jaxon a question look and just grinned and went to Micah to get the Siamese cat. Habang kinukuha niya si Milo ay napagtanto kong wala pa pala akong hilamos, ngunit hindi ko na masyadong pinoproblema ‘yon dahil nanatili pa rin naman ang ayos ng buhok ko at ng mukha ko pagkagising sa umaga. ‘Di ako tulad ni Micah na tulo laway pa.
“This cat is my peace offering to you. I hope you love him as much as I love y— I mean, him.” His ear became reddish when he said that.
“Laro kayong dalawa! Harutan sa umaga, by the way handa na ang breakfast. Dito ka na mag-agahan Jaxon.” sabi ni Micah at lumabas na ulit sa kwarto ko.
We both chuckled. For sure, ‘di na ako titigilan ni Micah sa pagkantyaw sa sitwasyon namin ni Jaxon.
***
Hindi na muna ako pumasok sa trabaho dahil sa hangover ko. After our breakfast, Jaxon went to work. May client din na kikitain si Micah, so, naiwan kaming dalawa ni Milo na natutulog sa kanyang maliit na tulugan.
Humiga ako sa sofa at tumingala sa kisame, iniisip ang mga nagdaang pangyayari sa nakaraang araw. Nilagay ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib at naramdaman ang hindi maipaliwanag na t***k ng aking puso. Slowly, I began to realize and accept the truth—unti-unti ko nang tinatanggap sa sarili ko ang nararamdaman ko para kay Jaxon.
I felt a tap on my cheek and as I opened my eyes, a handsome man was smiling sweetly in front of me. “Jaxon? P-paano ka nakapasok?”
He showed me a key fob. “Hiningi ko sa front desk. I ask for Micah’s permission and she says it's okay.”
I bit my lower lips and sat down. “Bakit kay Micah ka humingi ng permiso at hindi sa akin?”
Biglang nawala ang ngiti niya sa labi, gusto kong matawa sa itsura niya na parang nakagawa na naman siya ng kasalanan.
“S-sorry, I thought—”
Humalakhak ako, “Joke lang! It’s okay, Jaxon.”
He playfully messed up my hair before sitting down beside me. “Silly,” he said with a soft chuckle. Reaching for my hand, he held it gently. “How’s your hangover? Feeling better now? Can I make it up to you? Maybe a walk in the park with Milo?”
I reached out and tenderly caressed his cheek, something I hadn’t done in a long time. “Sure, Jaxon,” I replied with a small smile.