CHAPTER 12

1775 Words
CHAPTER 12 “Coffee?” “Huh?” I saw a steaming cup of hot coffee on the table beside me, the rich aroma filling the air. Inangat ko ang tingin ko sa taong naglagay nito, and I noticed a shy smile on his face. “Aldrich, ikaw pala. Kanina ka pa dyan?” Hinila niya ang isang swivel chair na nasa tabi ko at umupo doon. Inilagay niya ang kanyang knapsack bag sa ilalim ng mesa, “kararating ko lang.” Inusog niya palapit sa akin ang kape, “inumin mo muna ‘to habang mainit pa. Maaga pa pero subsob ka na sa ginagawa mo, nasaan na yung mga kasama mo?” Nang-kibit-balikat lang ako. “Baka na-traffic lang kaya wala pa sila.” Tinignan ko ang aking wristwatch. “Hindi pa naman alas otso ng umaga.” “Sabay na tayong mag-lunch mamaya, ah? K-kung okay lang sa’yo,” aniya sabay kamot sa batok niya, halata na nahihiya siya. What’s with him now? “Ayos lang naman. Magkita na lang tayo mamaya,” ngumiti ako. “Salamat nga pala sa kape,” dugtong ko pa na tinanguan lang niya. Binalik ko ang atensyon sa aking computer, maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga kasama ko. “Sana all may pa-kape, no?” Saad ni Sol habang paupo na siya sa kanyang upuan. Narinig kong tumawa si Tessa. “Eh, ‘di bumili ka. Marami kang pang-online shopping pero wala kang pang-kape?” Napangisi ako at napa-iling na lang sa pambabara ng kaibigan niya. Hindi nagtagal, sunod-sunod na ang pagdating ng mga clients, kaya’t nag-focus na kami sa trabaho. Lahat kami ay abala sa kanya-kanyang gawain, hanggang sa makatanggap ako ng notification sa aking phone. It was another chat coming from Jaxon. I didn’t check it yet since I have a client in front of me, after a minute nakatanggap ulit ako ng chat galing sa kanya. Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay kinuha ko ang aking cellphone at tumungo muna sa pantry. Umupo ako sa isang silya at binasa ang kangyang message. Jaxon: Hi, Sky! Are you free later? I was thinking we could grab some lunch together. 😊 Sorry for bothering you during work hours. I just thought it might be nice to catch up when you have a break. Natawa ako sa pa-smiley niya, at namangha rin sa pagiging considerate niya, lalo na't nag-sorry pa siya sa pag-abala sa akin. Magtitipa na sana ako ng reply, pero bigla kong naalala na may usapan pala kami ni Aldrich na mag-lunch din mamaya. Anong gagawin ko? Sinubukan kong tawagan siya at segundo lang ang dumaan, sinagot na niya agad ang tawag. “Sophia,” malumanay ang pagsambit niya sa pangalan ko. “Hey, Jaxon!” I tried to keep my tone normal, kahit na parang may nabuhay sa kalooban ko pagkarinig sa boses niya. Maiintindihan naman siguro ako ni Aldrich kung sasabihin kong hindi kami matutuloy sa plano namin. I don’t know why, but every time I remind myself not to cross the line with Jaxon, I just can’t seem to help it. There’s something about him that makes it so hard to stay away. “Kailangan ko na bumalik sa table ko, u-uhm, sure. Lunch tayo mamaya,” nabuo ang matamis na ngiti sa aking labi. “Great! Looking forward to it, Sophia. I’ll see you later. Take care, and don’t work too hard.” “Luh! Mukhang inspired na si anteh! Pero hindi pa po oras ng break, baka gusto mong bumalik na sa trabaho?” Magkasalubong ang mga kilay na sinita ako ni Marie. Sumenyas na lang ako na susunod sa kanya. “I’m sorry for that, Jaxon. Magkita na lang tayo mamaya.” sabi ko at nagmadaling bumalik sa puwesto ko. “I’ll see you later, Sophia.” He said and ended the call. *** Panay ang tingin ko sa malaking wall clock na nakasabit sa gilid ng teller’s booth. Hindi dahil sa excited akong mag-lunch kasama si Jaxon, kundi dahil gusto ko nang matapos ang pag-e-entertain sa isang client na ubod ng bastos kung makatingin. Malakas pa talaga ang loob niyang hawakan ang kamay ko sa tuwing may pinapapirma ako, na para bang sinusubukan niyang magpahiwatig ng kung ano. Halos nasa dulo na ng pasensiya ko, at gusto ko na lang sumabog para matapos na ang interaction na ito. But I know it's not appropriate to act like that, especially in a professional setting. Kailangan kong magpakahinahon kahit na umiinit na ang ulo ko. Inhale, exhale, Sophia. I kept reminding myself to stay calm and composed, kahit na bawat segundo ay parang pagsubok sa aking pasensiya. I signed the last document and handed it back to him, forcing a tight-lipped smile. I couldn’t wait for him to leave so I could finally get a break—and get away from this uncomfortable situation. Saktong nag-alas dose ng tanghali ay umalis na rin yung lalaki. Huminga ako ng malalim sabay hawak sa aking noo at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri. Nabaling naman ang atensyon ko sa aking cellphone nang makatanggap ulit ng mesahe. Jaxon: I’m here. Tumayo ako pagkabasa sa chat niya na 'yon. I grabbed my bag at hindi na nag-atubiling lingunin ang tatlo kong kasama, na ramdam ko ang mga mapanuri nilang tingin. Sa ‘di kalayuan, natatanaw ko na si Jaxon na nakasandal sa kotse niya habang may kausap sa phone. Nasilaw ako sa kanya, na parang nahiya ang araw sa liwanag ng kanyang presensya. Suot niya ang navy blue business casual suit na pinares sa black leather shoes. Bakit ganon? Mas lalo pa siyang gumwapo, kitang-kita ang kabuuan ng kanyang mukha dahil sa brush-up hairstyle niya. Nang makita niya ako, may bahid ng pagmamadali sa kanyang kilos, na para bang nagmamadali niyang tinapos ang tawag. “Hi! That was Jherik, he was discussing the schedule of the groundbreaking for the Home for Hope project." Saad ni Jaxon nang makalapit ako sa kanya. Parang nagpapaliwanag kahit hindi naman kailangan. Malapit-lapit na rin pala ang pagsisimula ng proyektong siya mismo ang nag-organize kasama ang iba pang community leaders na kakilala niya. Hopefully, this project will be successful since it aims to renovate and refurbish shelters for homeless families, providing them with safe and dignified living spaces. Tipid lang na ngiti ang ginawaran ko sa kanya. ‘Di pa rin ako maka-move doon sa isang customer, naiinis pa rin ako. “Let’s go?” aya niya. Binuksan na niya ang pinto ng kanyang kotse, at isang pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Tahimik siyang sumakay sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe, medyo nagulat ako sa biglang pag-ring ng phone. “Sh—,” natutop ko agad ang aking bibig bago ko mabanggit ang masamang salita. Ayaw niya kasing nagsasalita ako ng ganun. I'm trying not to cuss when he’s around, pero dahil araw-araw ko namang kasama si Micah sa bahay, mahirap disiplinahin ang aking bibig. I answered Aldrich's call, “H-hello, Drich… pasensya na, hindi kita na-text kanina na ‘di na ako makakasabay sa lunchtime. M-may inasikaso lang ako,” pagdadahilan ko at sinulyapan si Jaxon na diretso lang ang tingin sa daan. “It’s okay, Sky. Sa susunod na lang,” bakas ang lungkot at pagkadismayado sa boses niya. Bumuntong hininga ako. “I’m sorry.” “Okay lang ‘yon, huwag ka nang mag-alala. Ingat ka, ah.” “Salamat.” Tugon ko at in-end na ang tawag niya. Jaxon reserved a table for two at a fine dining restaurant. Nailang ako sa suot kong uniporme dahil puro magagarbong damit ang suot ng mga tao doon. I’ve been to places like this before, pero palagi lang iyon para sa mga events, hindi yung sinadya ko talagang puntahan. Tahimik lang kaming kumakain, bakit ang awkward ng feeling? Pero ilang sandali lang ay siya itong bumasag ng katahimikan. “What time do you usually go home, Sophia?” Nahinto ako sa pagnguya at napaisip. “Usually, mga 5PM na ng hapon,” sagot ko matapos mag-isip sandali, habang pinupunasan ang gilid ng aking bibig gamit ang table napkin. Jaxon studied me for a moment, his gaze softening with concern. “You seem a bit off today, Sophia. Maybe you should take a breather after work. It might help clear your mind. I’d be more than happy to give you a ride home or suggest a place to unwind if you'd like.” I was taken aback by his observation. I hadn’t realized I was that transparent about my mood. “I haven’t made any plans yet,” I replied cautiously. “But I might need to finish some work, depende na rin sa dami ng gagawin.” “Understood,” he said, his tone gentle. “Just let me know if you decide to take a break. Sometimes a little change of scenery can do wonders.” I appreciated his thoughtfulness, feeling a mix of relief and curiosity about what this new level of attention from Jaxon might mean. Matapos naming mag-lunch ni Jaxon at inihatid ako sa opisina ay balik ako sa naiwan kong trabaho. Ngunit ‘di na gaya kanina, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Mag a-alas siete na ng gabi nang matapos ang mga ginagawa ko. Grabe! Parang lahat ng clients na pumunta sa bangko ay sa akin pumunta, parang ayaw nilang lapitan ang ibang kasama ko. “Ingat sa pag-uwi Ma’am Sophia,” ani ng gwardiyang si Kuya Rey. “Nariyan na po ang sundo niyo, kanina pa po ‘yang alas singko.” May mapaglarong ngiti sa labi niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya, “Salamat po.” Sabi ko at naglakad na muli. Habang palapit ako sa puwesto ng kotse niya ay naririnig ko ang bulong ng dalawang lalaki na dumaan sa harap ko. “Hanep, pre! Naka-Porsche!” “Huy, baka masagi mo ‘yan at magasgasan. Kulang pa ang kidney mo sa pambayad.” Natawa ako sa mga komento nila at sa tingin ko ay narinig din sila ni Jaxon dahil kahit siya ay natawa rin. “Sky!” Napalingon ako sa pagtawag ni Aldrich. “Pauwi ka na? Sabay ka na sa akin, ito oh,” inabot niya sa akin ang helmet na ginamit ko noong gabing hinatid niya ako. “U-uhm, ano kasi, Drich…” “Bakit? May kasama ka bang pauwi?” tanong niya, napansin ang pag-aalinlangan ko. Tumingin siya sa likod ko at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. “I see. Sige, next time na lang ulit.” Kinuha niya ang helmet mula sa aking kamay at tinalikuran na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD