PROLOGUE

1845 Words
PROLOGUE "Libra, the stars align in your favor as you embark on a journey of love and discovery. Within the next three months, a chance encounter will lead you to your true soulmate. Stay open to new connections and trust in the universe's timing. Exciting moments of passion and deep emotional connection await you. Embrace the magic of love as it unfolds effortlessly in your life." "Nagpapaniwala ka dyan?" I raised my brow as I heard my cousin ask me that. Inilapag niya sa mesa ang ginawa niyang agahan namin as we prepared to go to work. Ako sa bank, siya naman ay i-mi-meet daw ang client for the upcoming Charity Gala na gaganapin after Christmas but before the New Year. In-off ko na ang TV kung saan ako nag-aabang upang malaman kung ano ang ganap sa horoscope ko. "Hindi naman siguro masamang maniwala, di ba? Although, sabi nila, hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin, gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito." Pareho kaming natawa sa sinabi ko. "Pinsan ba talaga kita? Ikaw ba 'yung Sophia Kylie na pinsan ko? Na sobrahan ka na ata ng kawirduhan. Kaya ka single dahil sa ginagawa mo, eh, nilalagay mo ang kapalaran mo diyan imbes na lumabas ka at i-explore ang mundo." "Grabe ka naman sa akin, Micah." Sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko, pangaral lang ng pinsan ko ang tinatanggap ko. Maybe because wala akong choice dahil nakikitira lang ako sa condo niya, but the truth is tama naman kasi ang mga sinasabi niya. I don't know why, kapag ibang tao o ibang kapamilya ko kasi, kapag naririnig ko ang mga sinasabi nila sa akin, ang dating, eh, parang pine-pressure nila ako sa buhay. But when it comes to Micah, kahit na niri-real talk niya ako, she doesn't invalidate my feelings. Siya lang talaga ang kakampi ko, may pinsan na, may best friend pa. "I'm just stating facts, tignan mo ako, sa pagiging event planner ko ay nakaka-meet ako ng iba't-ibang mga tao. To the point, na may makikilala kang didilig ng hardin mo upang mamulaklak ito." Ngumisi siya. Naguluhan naman ako sa huli niyang sinabi. "Huh? Bakit magdidilig ng hardin?" Napakamot siya sa gilid ng noo niya. "Alam mo, kumain na tayo. Gutom lang yan pero ito lang maipapayo ko sayo, try to explore the world. May mga bagay, lugar o tao ka pang makikilala. Huwag lang puro trabaho ang atupagin mo, ikaw na nga lang ang natitirang OG teller diyan sa bangkong tinatrabahuhan mo tapos hindi mo pa binibigyan ng chance ang sarili mong mag-enjoy. It's not easy but just take it slow, one step at a time. Huwag mong isipin na porket successful ka sa career ay malas ka na sa pag-ibig, darating din yung taong mamahalin ka ng totoo. Yung pagiging single mo for years ay mababago na, claim it!" I reached for her hand. "Thank you, couz! You're my life saver talaga!" We continued talking about some other things at nag kanya-kanya na kami para pumunta sa mga trabaho namin. *** "Happy birthday, couz!" bati sa akin ni Micah sabay ipinakita ang bento cake. "Make a wish! Or gusto mo ako na lang?" Inilagay niya ang cake sa coffee table and clasped her hands together as if she were praying. "Wish ko na sana tumigil na si Sky sa pagiging desperada niya dahil hindi niya 'yon ikinaganda." I rolled my eyes at kinuha ang isang throw pillow na nasa gilid ko at tinapon sa kanya. Nasalo niya 'yon at niyakap. "Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo, 'di ka na nakakatuwa." Inirapan ko siya, tinawanan lang ako ng magaling kong pinsan at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang remote control ng TV at sinara ito. Sa buong buhay kong nagtatrabaho, ngayon ko lang naisipan na mag file ng leave then ganito pa ang ireregalo sa akin ni Micah. "Paano naman kasi, nagkatotoo nga yung nasa horoscope, puro palpak naman. Yung una na nakilala mo sa bumblebie app, init lang ng katawan ang hanap at ayaw pa ng commitment. Yung pangalawa naman, na kaibigan ng katrabaho mo biglang nag-confess out of nowhere. Hindi pa nga kayo magkakilala ng lubusan tapos mahal na agad." She paused and rolled her eyes then continued. "At yung pangatlo, okay na sana, eh, pero sa umpisa lang pala. Naging inconsistent si kuya, kung gusto niya lang magparamdam, doon lang siya mag t-text sayo." "Tapos ka na? So, yung talak mo ang regalo mo sa akin?" Huminga ako ng malalim. Napabuntong hininga rin siya at humarap sa akin. "Couz... Ang ibig ko lang naman sabihin ay huwag kang magmadali, huwag mong ilagay sa kokote mo yung mga naririnig mo sa ibang tao. Darating din ang time mo, love is not about searching or seeking out, but about patiently waiting for the right moment. Trust the process, trust the timing, and then pray." I stared at her for a moment, processing what she said. "Naku, Sky... minsan lang ako magseryoso kaya sana na-absorb mo ang sinabi ko. Ang mabuti pa, dinner na lang tayo mamaya. Sagot ko na kahit ikaw ang may birthday." Inaamin kong nawawalan na ako ng pag-asa, though hindi ko naman talaga dapat gawing big deal, it's just that sa tuwing may naririnig na naman akong mga kung anu-ano galing sa mga colleagues ko o sa relatives ko, nagsisimula na namang lumakbay ang utak ko at humantong sa pag o-overthink na naman. But I tried to change my perspective, I try my best not to mind the pressures circulating me. So, I decided to volunteer and dedicate my time on weekends at a local shelter for homeless families. I raised a campaign to raise awareness about financial literacy in underprivileged communities. It is not yet well established but somehow, nagkakaroon ako ng saya at nagiging inspired ako to to make the campaign more effective. *** "Ready ka na?" Micah said as she pull over her car to the side. Sinilip ko ang malawak na hardin at ang antik na bahay na minana pa ni Mama kay Lola. Tuwing Christmas Eve na lang kami halos nakukumpleto magkakapamilya at dito kami laging nag-se-celebrate. The place is very wide, parang itong bahay lang ang naging center of attraction dahil napapaligiran ito ng rice fields. Hindi naman masyadong malayo mula dito ang bahay namin kung saan ako lumaki, pero kung galing ng city gaya namin ay 2 to 3 hours ang byahe papunta dito sa provincial area. Kaya mas pinili kong tumira kasama ang pinsan ko sa syudad para hindi na ako mahirapan papuntang trabaho at tuwing may family reunion lang kami nakaka-uwi. Tumango ako at humugot ng isang malalim na hininga. "Wow! Akala mo naman sasabak sa beauty pageant ang eksena." Inirapan ko na lang siya at nauna nang bumaba sa kotse niya. Eh, paano naman kasi, hinahanda ko lang ang sarili ko sa magkakaparehong tanong ng mga pamilya namin. We entered the house at sinalubong agad kami ng mga pamangkin namin. Nagmano sila sa aming dalawa ni Micah at sunod naman kaming sumabak na magmano sa mga kapamilya namin. "Hija, kanina ka pa namin hinihintay." Sinalubong ako ni Mama ng yakap at halik sa pisngi. Bumeso rin siya kay Micah at bumaling ulit sa akin. "Kayo lang ba dalawa ni Micah?" "Yes po, tita, kami lang dalawa." sagot ng pinsan ko. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Mama. "Ganun ba? Akala ko pa naman, may dala ka ng nobyo anak. Naku, bente nueve ka na. Malapit ka nang lumampas ng kalendaryo, gusto ko na ng apo!" Nilapitan naman siya ni Micah at pinulupot ang kamay sa kaliwang braso niya. Naramdaman ata ng pinsan ko na na-i-stress na ako. "Tita naman, nung December 10 lang nag-birthday si Sophia, hayaan na muna natin siyang enjoy-in ang pagiging single." "Ay, ewan ko ba diyan sa pinsan mo!" Tinungo ni Mama ang sofa at umupo habang kami ni Micah ay nanatiling nakatayo. During dinner ay panay pa rin ang discussion ng iba tungkol sa akin. Aba! Single rin naman 'tong si Micah bakit hindi nila sinasali? "Bakit ayaw mo pa rin ba mag-asawa? Ang saya kayang may nag-aasikaso sayo, huwag mong gayahin 'yang si Micah na puro lang kalokohan. Tignan mo nga yung ibang mga pinsan mo, oh, may mga asawa't anak na. Eh, ikaw?" "Ma naman, huwag na nating i-pressure si Sky. Hindi naman siya sumasali sa karera at isa pa, porket kinasal na masaya na ba talaga sila? Yung iba diyan napipilitan lang din,eh, or worst nauuwi rin sa hiwalayan dahil 'di alam ang mga responsibilidad kapag may pamilya na. Darating din ang tamang panahon para kay Sophia." Sinalo na naman ako ni Micah sa pagsagot sa Mama niya na naka-video call. My Mom and Micah's Mom are siblings ngunit nasa US ito naka-base kaya hindi nakaka-attend ng reunion physically. Everyone in the dining table kept on glancing at me and murmuring, I felt a tap from my right shoulder, and it was Micah. She gave me a concerned look and I just smiled. Walang mangyayari kung ganito na lang ako palagi, I decided to take a deep breath at inangat ang aking mukha. "Ma, Pa at sa lahat ng nandito..." Umpisa ko na kalmado at may tatag sa sarili. "Kontento po ako sa kung nasaan ako ngayon at magpapakasal po ako kapag maramdaman kong naaayon na upang mangyari 'yon, 'di dahil sa external pressures. Hindi rin po nakakatulong sa akin ang lagi niyong pagtatanong tungkol sa topic na 'yan, pinapamukha niyo po sa akin na hindi ako sapat. Ang kailangan ko po sa inyo ay suporta at hindi panghuhusga." Katahimikan. Bumalot ng katahimikan sa dining room na 'yon. Wala na akong pakialam kung magtampo sina Mama. What's important for me now is I stand up for myself. Hindi na kami nagtagal doon dahil awkward na ang sitwasyon, bumyahe na kami pauwi kahit dis-oras na ng gabi. Panay rin ang papuri sa akin ni Micah dahil sa ginawa ko kanina, hindi ko na lang siya pinapansin. Alas dos na ng madaling araw kami nakarating ni Micah sa condo niya. May tumawag naman sa kanya, sinulyapan ako ni Micah at sinenyasan ako na pupunta na siya sa kwarto niya. Tumango na lang ako at nagpaiwan na muna sa sala. Kinuha ko ang aking laptop at sumalampak sa couch, something caught my attention as I scan my e-mail. May isang email galing mismo sa GM ng bank kung saan ako nagtatrabaho. I clicked it and ― Dear Ms. Sophia Kylie Abarquez, I hope this message finds you well. I am pleased to inform you that you have been selected to represent our bank at the upcoming Charity Gala, where our bank is proud to be one of the event's sponsors. Your dedication, professionalism, and exemplary performance have made you the ideal candidate for this role. Just when I thought I wouldn't really enjoy my single life, I realized it's never too late to explore. So, here it goes. Perhaps love will come when I stop waiting... *** TO BE CONTINUED ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD