CHAPTER 1

1673 Words
CHAPTER 1 "I'm so tired!" Pabagsak na umupo sa couch ang magaling kong pinsan na kararating lang. Alas diyes na ng gabi nang tignan ko ang aking relo. Recently, napapadalas ang pag-uwi nito ng ganitong oras, I wonder why. Sumandal siya sa sandalan at tinanggal ang long sleeve loose blazer niya, she is wearing her slim cami crop top under that blazer. Exposing her skin, may napansin ako sa may bandang itaas ng left chest niya. "Hoy, Micah! Hickey ba yang nakikita ko? Umamin ka, may boyfriend ka na ba?" Mabilis niyang kinuha ang blazer at tinakpan ito. "H-Hickey ka diyan, nakagat lang yan ng langgam!" I glared at her. Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo, may kinikita 'tong babaeng 'to. "Grabe namang langgam 'yan, pinanggigilan ka talaga." Ngumisi ako at binalik ang tingin sa laptop ko. I'm finalizing some task para sa upcoming charity gala scheduled on the 29th of December. Nakita ko namang tumayo siya at nilapitan ako. "Alam mo para magkaroon ng spice 'yang buhay mo, magpakagat ka na rin sa langgam." Makahulugan niyang sabi at kumindat pa. "Di ko kailangan ng ganyan, walang kasiguraduhan." Sagot ko naman. So, tama ang hula ko. She is seeing someone and playing with fire. "Okay lang, at least masaya ako at ang pechay ko." She said playfully and stuck her tongue out. "Ewan ko sayo! Kung dyan ka masaya, eh, di go! Huwag ka lang mag-d-drama sa akin kapag iniwan ka sa huli." pagbabanta ko. Binalewala niya ang sinabi ko, humikab siya at nag-inat. "Thanks couz!" Ngumiti siya, "Magpapahinga na ako, matulog ka na rin. Huwag mong kalimutan bukas ha, magtitingin tayo ng dress para sa gala after ng work mo." Tumango ako, dumiretso naman na siya sa kwarto niya. Patapos na ako at handa ng i-log out ang e-mail ko ng may nag pop-up na panibago. Galing ang e-mail sa coordinator ng shelter kung saan ako nag-bo-volunteer. Dear Ms. Sophia Kylie, I wanted to inform you about an individual interested in collaborating with us to support our shelter and the homeless families we serve. They have a project proposal that could greatly benefit our community. Could we schedule a meeting to discuss this opportunity after the holiday season? Please let me know your availability in early January. Thank you! Best, Sarah Agustin Community Outreach Coordinator New Beginnings Shelter sarah.agustin@newbeginnings.org (555) 123-4567 Natuwa ako sa nabasa ko at hindi makapaniwalang may gustong makipag-collaborate sa shelter. I replied to Ms. Sarah, informing her that I will be on a one-week leave during the first week of January and will most likely be available in the third week. Ilang sandali lang ay sumagot siya sa e-mail ko at um-okay. *** "Kailangan ba talagang magarbo yung dress na bibilhin? Once ko lang naman gagamitin." untag ko kay Micah na nauunang maglakad sa akin at tinitignan ang mga long dress na naka-display. Dito pa talaga niya ako dinala sa isang department store na nagmamahalan ang presyo, akala mo naman siya magbabayad ng damit. May kinuha siya at sinuri ito, pinakita niya sa akin at inilapit para matignan kung babagay ba. "Of course, couz! Kailangan maganda ka 'don at center of attraction," Dumikit siya sa akin. "Malay mo naman doon mo na makikilala si Mr. Right." May nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang bibig. I rolled my eyes at ibinalik ang dress na pinakita niya. Ayoko yung design, masyadong makislap. "Ayoko nang umasa, huwag mo ngang pangunahan ang pag-pressure sa akin." "Hindi naman kita pine-pressure. Sinasabi ko lang." Naramdaman kong sumunod siya sa akin dahil nauna na akong lumakad sa kanya. "Pareho lang naman 'yon." I said, still searching for a dress. "Luh! Nakadepende pa rin yun sayo kung paano mo tatanggapin ang sinabi ko. If you'll think that it's nothing then you're good but if you think that I'm telling it to you to pressure you, then I apologize for making you feel that way. My intention is simply to share my thoughts with you honestly, without any expectation or pressure." paliwanag niya. Huminga ako ng malalim. "Okay, okay... Sorry din." Kinuha ko yung damit na nakapukaw sa akin ng pansin. "How about this?" Ngumiti siya at mukhang nagustuhan niya ang kinuha ko, it's a dark green waist cinched pleated hem sleeveless dress. "In fairness, ha, magaling kang tumingin ng damit. Bilhin mo na." Micah waited for me as I pay the dress, ibabalik ko pa sana sa clothing rack pagkakita ko sa presyo ngunit wala akong choice, kahit once ko lang naman ito isusuot I should look presentable sa charity gala na 'yon. Nag-stroll pa kami sa ibang department store then umuwi na, wala naman na akong dapat ipag-alala dahil ang ibang accesories at make-up ay ang pinsan ko na ang bahala. When the day of the Charity Gala comes, I woke up early to settle the tasks I need to do later. Nang mag-ala-una na ng hapon ay dumating na si Micah galing sa trabaho niya at tinulungan na akong mag-prepare. She took out her make-ups, brushes, accessories, and others. It took us almost one hour para matapos ang pag-mi-make-up, Micah called it an "Elegant Glam" makeup look. It enhances natural beauty while ensuring a sophisticated and polished appearance that complements my dark green dress beautifully. Lastly, kinuha niya ang setting spray to set my make-up. Since I have a mid-back wavy dark brown hair, my cousin just did a crown braid. She just create a two braids from the front sections of my hair and pinned together in the back. Then she allow the rest of my wavy hair to flow freely. Pagkatapos non ay pinabihis na niya ako at sa paglabas ko ng comfort room ay pinakita na niya sa akin ang susuotin ko sa paa. "Here, couz!" inabot niya sa akin ang pares ng sandals na gagamitin ko. It's a glitter rhinestone decor chunky heeled ankle strap sandals. Sinuot ko 'yon at sinubukang tumayo, it's not my first time wearing a sandals with heels, pero kapag nasanay ka na sa flats kakapa ka na naman kung paano mag-adjust sa paglalakad. I manage to walk without struggling, so, I guess wala nang problema. "Ito pa." pinakita niya ang isang beige na magnetic closure chain clutch bag. "Thanks, Micah!" nilapitan ko siya at niyakap. "Ano ba, Sky! Maliit na bagay! Selfie nga tayo, i-po-post ko sa IG ko baka may magtatanong kung sino ka then tada, may lovelife ka na!" She giggled, I just glared at her. "Binebenta mo na naman ako sa mga followers mo!" "Joke lang! Ito naman, halika na picture na tayo." Hinawakan niya ang braso ko at inilapit sa kanya. She took out her phone and we took a picture. Pagkatapos non ay hinatid na ako ni Micah sa venue. "Good luck, couz! Just call me kung uuwi ka na." Nginitian niya ako. I nodded then bumaba na ako sa kotse niya. Hinintay kong umalis si Micah at nang nakalayo na siya ay nagtungo na ako sa loob ng hotel. As I entered the Luxor Hall where the charity gala takes place, huminga muna ako ng malalim. The venue is adorned with twinkling lights andbeautifully arranged tables. Guests are dressed in their finest attire,mingling and enjoying the sophisticated ambiance. I'm feeling a mix of excitement and nervousness, and also I need to set aside my introverted side since I'm here to represent the bank where I'm working at, as one of the event's sponsor. Naghanap ako ng mauupuan at sa may bandang harapan ako dinala ng usherette, I immediately engages in polite conversation with other guests na kasama kong naka-upo rin. While I was chatting with one of the guests, I noticed someone take a seat across the table, katapat ko siya actually. He is wearing a modest yet stylish suit, may lumapit sa kanya na isang lalaki at nakipagkamayan. 'Di naman nagtagal ang pag-uusap nila at bumalik na yung lalaki sa mesa niya. This guy seems very friendly and charismatic, he has dark hair, sharp features, and anapproachable smile. May nakita nga akong mga kababaihan na kinilig ng mapansin niya sila. "So, Ms. Abarquez," nalipat ulit ang tingin ko sa babaeng nasa mid 40's na kausap ko pala kanina. "Your bank's credibility is impressive. I don't have a savings account there yet, but this might be the start of investing in Aspire Bank." Unconsciously, sinulyapan ko yung lalaki na nasa tapat ko naka-upo at si kuya mo ay nakatingin sa akin. He smiled, nahihiyang ngumiti rin ako sa kanya at binigay ang atensyon ko kay Mrs. Montemor. "Thank you po Ma'am, I can give you my business card for any future inquiries or assistance you might need with our services at Aspire Bank." kinuha ko ang business card sa bag at inabot sa kanya. Any minute magsisimula na ang event, may dumating na isa pang lalaki at tinapik ang balikat nung guy na ngumiti sa akin. "Sorry, bro, na-late ako." narinig kong sabi ng bagong dating. He must be a friend, medyo hindi pa niya na ayos ang neck tie at may napansin pa akong lipstick mark sa kwelyo niya. May itsura rin 'to, kaya lang mukhang playboy. "Nakipaglaro ka na naman." he said with a smooth yet captivating voice. "Inggit ka lang, eh. Lipat ka 'don," tinuro ng kaibigan niya ang bakanteng upuan sa side ko. "Ako dyan kasi may chicks." Umiling na lang siya at tumayo, lumipat siya sa side ko ngunit bago siya umupo ay tinignan ako. "Would you mind if I sit beside you?" "Huh?―" Tumikhim ako. "Not at all. Please, go ahead." Umupo siya at inayos ang kanyang suot na suit, then tumingin ulit sa gawi ko. "You don't need to be formal. By the way, ―" "Look who's here! The most handsome face next to mine, Jaxon Asher De Vera!" Tumayo siya at niyakap ang lalaking sa tingin ko ay nasa early 50's. "Tito Raf, 'di ka pa rin nagbabago. Palabiro ka pa rin." Ang humble naman nito, ayaw pa tanggapin na gwapo siya, kasing gwapo ng pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD