CHAPTER 2
The cocktail hour begins with waitstaff circulating trays of champagne. I'm not new to this kind of drink; umiinom ako, but in moderation. The other guests are mingling, networking, and enjoying live music performed by a string quartet.
Pinagmasdan ko ang hawak kong champagne glass na halos wala pa sa kalahati ang nabawasan at pina-ikot-ikot ito. Yung katabi ko naman ay inilapag ang glass sa mesa na konti na lang ang laman. Napansin niya ata ang ginagawa ko kaya napatikhim siya. I glanced at him after he did that.
“Na-drain na social battery mo? You’re silent.” He gave me a concerned look.
“Huh?” Nginitian ko siya at ako naman ang tumikhim. “K-kinda, pero ayos lang. Kailangan kong tapusin ang event na ito.” He smiled back and just nodded, until the MC takes the stage and welcomes everyone to the gala.
“Ladies and gentlemen, welcome to our annual charity gala! It is an honor to see so many dedicated and compassionate individuals gathered here tonight. As we enjoy this beautiful evening together, I want to take a moment to introduce the theme of our gala and highlight the incredible cause we are supporting this year.”
The MC started introducing the event's theme and highlighting the cause that this gala is supporting. Na surpresa pa ako ng tawagin ng MC ang lalaking kumausap sa katabi ko kanina na magbigay ng speech, he’s one of the board members and had the same surname with this guy.
De Vera ― parang napaka-influential ng tunog, ma-i-intimidate ka. Pero, observing this Jaxon guy, he looks so humble and unpretentious. Baka close lang sila at respeto niya lang ‘yon sa matanda kaya Tito ang tawag niya, ngunit ‘di talaga sila magkadugo at nagkataon lang magkapareho sila ng apelyido.
After that keynote speech, a short documentary film is played, showcasing the work of the charity organization and the communities that it serves. Then ang sumunod ay ang paborito ng lahat, I guess? Dinner time.
Nang matapos akong kumuha ng pagkain ay iginala ko ang aking paningin, and a lady caught my attention. Malawak siyang ngumiti at nilapitan ako, I stand up and gave her a hug.
“Tita Violet, I didn’t expect to see you here.” I felt a bit of awkwardness dahil naalala ko naman ang ganap noong family reunion namin. Isa rin siya sa mga nag-p-pressure sa akin, palibhasa kasi yung bunso niyang anak na kaedaran ko lang ay engaged na sa long-time boyfriend nito.
“Ay naku, hija, ako na lang ang pina-attend.” She answered, nagtatrabaho rin siya sa isang kumpanya na isa rin sa major sponsor ng gala. “Hindi na ako tumanggi dahil chance ko na rin makahanap ng matandang mayaman dito.” Humalakhak siya, buti na lang at maingay ang nagtatanghal sa harapan kaya ‘di masyadong narinig ang pagtawa niya.
I looked at my left side and Jaxon is already having his dinner, kanina pa kaya siya? Sana lang hindi niya narinig ang pinagsasabi ni Tita. Nakakahiya, mapapa-face palm ako dito ng wala sa oras.
“T-tita, lahat naman ata dito may mga asawa na, kaya mahihirapan kang makahanap ng kapareha.”
Hinawakan niya ang braso ko at pinisil ito. “Watch me, may mga byudo pa rin dito.” Napangiwi ako sa tinuran niya. “Kaya ikaw, samahan mo ako. Mag bo-boys hunting tayo para may mapangasawa ka na. Naku Sophia, ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo? Ba’t ‘di mo gayahin ang pinsan mo, ikakasal na sa lalaking mahal niya.” She held my chin. “Tignan mo, oh, magandang babae pero tatandang dalaga. Hindi pwe-pwede.” I pursed my lips in annoyance.
Akmang hihilahin na niya ang kamay ko ngunit pinigilan ko. “I-Ikaw na lang muna, Tita. Susunod ako sayo.” Pagsisinungaling ko, parang nakumbinsi ko naman siya.
“Okay, sumunod ka, ah.” Tumango ako at iniwan na niya ako doon.
Napapikit ako ng maupo at humugot ng malalim na hininga, I can sense that someone is watching me so nagmulat ako.
He flashes a sympathetic smile. “It’s okay, minsan ‘di talaga natin maiiwasan ang ganyang scenario sa pamilya.”
Napabuga ulit ako ng hangin. “Alam ko, pero hindi ko rin maiwasang mainis. Mas atat pa sila kaysa sa akin, ano ang magagawa ko, eh, wala namang nagkakagusto sa akin.” I scoff, frustration is visible in my voice. Until I realize na parang sumobra na ang pag-share ko. “S-sorry.”
He let out a soft chuckle. “Ayos lang, kumain ka na muna. Baka any minute magsisimula na ulit ang program.”
The MC returns to the stage to present awards and recognize key donors and sponsors. Plaques and certificates are handed out, and the bank where I work is also recognized. I give a small speech and then return to my seat.
“Congratulations!” sabi niya habang pumapalakpak ng mahina.
“Salamat!” Tipid akong ngumiti at umupo na. I notice, wala na yung kasama niya kanina, yung mukhang playboy.
“Nasaan na ‘yung kasama mo?”
Nagkibit balikat siya. “No idea, baka nainip na dito at umalis na.”
“Ahh.” Nasagot ko na lang. Ayoko na magtanong ng kung ano pa.
The silent auction began. Maraming items ang na-i-display for bidding at yung panghuling item ay ‘di ko pinalampas. ‘Di ko alam kung bakit but I felt a deep connection with the painting. The MC put the beautiful painting on an easel, it was painted by a local artist named Hanny.
“The painting depicts a radiant sunflower standing tall in a serene field bathed in the golden light of a setting sun. The sunflower's petals are vibrant and detailed, each one symbolizing a different aspect of wisdom—knowledge, experience, insight, and discernment. The sunflower's face is turned towards the sun, representing the pursuit of enlightenment and growth.” The MC reads its description.
A bid sheet is placed next to the painting, it includes the painting’s name— ‘Sunflower of Wisdom’ and the starting bid amount. As I reach for the bidding sheet na nakalatag din sa mesa, nagkataon din naman na inabot ni Jaxon ang papel at nagtama ang aming mga kamay. It sounded old, but it felt like electricity ran through my hand when it happened. We both laughed, and Jaxon graciously let me place my bid first.
Hanggang sa mag-close ang bidding, ngunit ‘di sinabi ng MC kung sino ang nanalo. Well, kahit gusto kong iuwi ‘yon, paniguradong hindi ako ang nanalo sa bidding.
Ilang minuto pa ang nagdaan at natapos rin ang event, finally makaka-uwi na ako. Hindi ko na nakita si Jaxon dahil pagbalik ko galing banyo ay wala na siya. Nakatambay ako sa may entrance ng hotel at sinusubukang tawagan si Micah ngunit cannot be reach siya. “Busy na naman ba ‘yon?” I murmured. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan ngunit hindi talaga siya makontak. I guess maghahanap na lang ako ng masasakyan pauwi?
“Pauwi ka na?”
Nakarinig ako ng pamilyar na boses galing sa aking likuran, lumingon ako sa kanya. “Ah, oo. Pero matatagalan ata yung dating ng sundo ko, baka busy.” Ngumiti ako sa kanya ngunit parang bigla namang nag-iba ang ekspresyon niya.
“May mag-susundo sayo?”
I nodded. “Yap, yung pinsan ko.” His eyes appeared softer and more at ease now.
Bigla namang may pumara na kotse sa aming harapan, akala ko nga si Micah na, eh. But my eyes widened when I saw the logo on the front of the car. Talagang hindi ‘to ang pinsan ko, ‘di niya afford ang isang Porsche.
Lumabas ang valet doon sa kotse at lumapit kay Jaxon at inabot ang susi. So, kanya ‘to? Wow!
Bumaling siya sa akin. “Can we grab a coffee? Then hatid na lang kita kung ok lang sayo?”
Naestatwa ako ng ilang segundo, ‘di makapaniwala sa narinig. “Huh? S-sure ka?”
“Yeah, napansin ko kasi na kaunti lang ang nakain mo kanina. So, perhaps a cup of coffee will ease your hunger,” sagot niya sabay ngiti. “Tara?”
Hindi na ako nag-inarte at pumayag na lang. Sumagi na naman sa isip ko ang talak ni Mama kapag nasa kaparehong sitwasyon na ganito.
Ayan! Yung lalaki na ang nag-aaya sayo, nagpapakipot ka pa. Ikaw, gusto mo atang ikaw itong naghahabol! Isipin mo, kahit anong gawin mo kapag hindi ka gusto ng lalaki, ‘di ka talaga papansinin, ngunit kung ang lalaki ang may gusto sayo, gagawin ang lahat mapasakanya ka lang.
It felt like it was echoing in my mind, mariin akong napa-iling.
“Are you okay?” He glanced at me when he noticed what I did while he was driving.
“Y-yeah, okay lang ako. Don’t mind me.” I awkwardly smiled.
When we arrived at the coffee shop, namangha ako sa interior design. So cozy and minimalist yet inviting parin sa mata. Napaka-aesthetic, two-story ang café na ‘to at doon kami sa second floor nagtungo at pumesto sa may balcony. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng café, miss ko na ang mga pagkain.
“What do you like to order, Ms. Sophia?” I looked at him and creased my forehead. Natawa siya, “I heard your aunt say your name, that's why I know.”
Napasandal na lang ako sa upuan at tinignan ang menu, ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Tumikhim ako ng makapili na, he didn’t look away and kept looking at me, waiting for me to say my order. Nakatayo pala sa side namin ang server.
“Uhm, Iced Caramel Macchiato and,” sumulyap ako sa kanya. “Can I order Lasagna?”
He sweetly smiled and nodded, para naman akong bata na nabigyan ng candy. Nagningning ang mga mata ko.
“That’s all?” Nahihiya akong tumango, ayoko naman siyang abusuhin dahil lang sa idea na libre ‘to. Libre nga ba? He turned his attention to the server, “I’ll order two Lasagna, one Caramel Macchiato and one Iced Americano.”
"Thank you for your order. I will have that prepared for you shortly. Is there anything else I can assist you with?" ani ng server na malawak ang ngiti habang nakatingin sa amin. Mali ka ng iniisip, Mr. Server.
"No, that's everything. Thank you." Sagot naman sa kanya ni Jaxon at iniwan na kami.
I looked at my right side, from the coffee shop's second-floor balcony, I can see the city lit up with sparkling lights. Tall buildings stand out against the dark sky, and streets below are busy with traffic and colorful signs. The air feels cool and lively, offering a peaceful view above the city's hustle and bustle.
“I guess paborito mo 'yung in-order mo?” Nabaling ang atensyon ko sa kanya, tumango ako bilang sagot. "You know, thinking too much about things can sometimes lead to unnecessary worry." dugtong pa niya.
I know what he meant by that, but it keeps me from making impulsive decisions.