CHAPTER 5

1454 Words
CHAPTER 5 Hindi na ako lumingon pa sa kanila, baka isipin pa nilang nagpapanggap lang kami. “Hey, are you okay?” Jaxon said softly, nanatili pa rin siyang naka akbay sa akin. I nodded, as I felt relieved knowing that he saved me. Para akong nakatakas sa mga masamang tao. “Salamat at nakisakay ka sa pag-akting kanina, ‘di ko na alam kung paano makakaalis doon.” “Mag-isa ka lang bang babyahe?” “Yap,” Nakarating na kami sa waiting area, tinignan ko naman yung pinanggalingan namin at nakita kong wala na sila doon. “Ikaw? M-may business trip ka?” Napansin kong umiwas siya ng tingin sa akin. “Yeah, we’re actually boarding on the same plane.” I raised my eyebrows in surprise, then furrowed as I’m trying to recall if I had seen him earlier. “Really? Hindi kita napansin kanina sa pila habang nag che-check-in.” He softly chuckled then napakamot sa batok niya. “Late na ako nakarating, buti na lang naka-abot pa.” “Buti naman.” Ngumiti ako. I never thought na makikita ko siya at makakasama sa byahe. "Ladies and gentlemen, may I have your attention, please? We are pleased to announce the arrival of Flight DG 1436 with service to Siargao. At this time, we invite all passengers to gather your belongings and prepare for boarding. We will begin the boarding process shortly. Once again, Flight DG 1436 to Siargao has arrived and we will begin boarding shortly. Thank you for your patience and cooperation." Umalingaw-ngaw ang boses ng gate attendant, nagkatinginan kaming dalawa ni Jaxon. “Let’s go?” sabi ko at hinawakan na ang handle ng luggage ko. Kinuha niya na rin ang dala niyang maleta. “Ako na magdadala niyan.” Kinuha niya sa akin ang maleta ko at nauna na siyang maglakad. Sakto naman nang hinahanap na namin ang seat numbers ay nakita ko na naman sa ‘di kalayuan si Ronald kasama ang dalawa niyang kaibigan. Iniisip ko pa naman na magiging maganda ang bakasyong ‘to ngunit ngayon parang gusto ko na lang umuwi. Awtomatiko akong napahawak sa braso ni Jaxon, he immediately turned his face towards me and then looked down at my hands. Nilapitan ko siya ng kaunti, “Kasama natin sila sa byahe.” Bulong ko. Kumunot ang noo niya, “Who?” Iginala niya ang tingin sa loob ng eroplano at tumingin ulit sa gawi ko. “I see, let me check your boarding pass.” Inabot ko 'yon sa kanya. “Great, magkatabi tayo. Don’t worry, I got you.” He winks at me, and unconsciously, I found myself staring into his eyes. I don't know if this is happening naturally or if it's meant to be, but right now, even though it's too soon, I just want to wish that he could be the one I spend my life with. Pinuntahan na namin ang upuan kung saan kami dapat uupo at kapag sinusuwerte ka nga naman, nasa side lang namin ang pwesto nila Ronald. As we settled on our seat, I muttered a curse under my breath. “Watch your mouth, lady.” Saway sa akin ni Jaxon, napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko. “I’m sorry…” Yumuko ako ngunit muling napaangat ang ulo ko ng ipinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. “He’s watching.” Mabilis akong tumingin sa gawi nila at totoo ngang nakatingin siya sa amin. Huwag kang mag-assume masyado, Sophia. Nakakasakit ‘yan ng damdamin. Ilang minuto na ang nagdaan matapos mag take-off ng eroplano, hindi parin binibitawan ni Jaxon ang kamay ko. Nakapikit lang siya, tumingin ulit ako sa puwesto ni Ronald at magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Napabuntong hininga ako at umayos ng upo, naramdaman ko naman ang pagpisil ni Jaxon sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. He looks straight into my eyes. “Don’t look at him, you’re giving him a hint na nagpapanggap lang tayo.” My jaw dropped when I heard him say that nag loading saglit ang utak pero napatango na lang ako. “You’re sleepy?” I shook my head. “Hindi naman.” “Come here.” Kahit na sinabi kong hindi ako inaantok ay inakbayan parin niya ako at iginiya ang aking ulo sa balikat niya. “Just rest on my shoulder, gigisingin na lang kita kapag nasa Siargao na tayo.” Wala akong nagawa kundi sumandal sa balikat niya, panay pa ang pagtapik niya ng marahan sa balikat ko. It felt so comfy, para akong hinehele. Sa ginawa niya ay nakatulog talaga ako. *** I felt a tap on my cheeks kaya napamulat ako, and I saw his handsome face smiling at me. “Akala ko ba hindi ka inaantok?” natatawa niyang tanong. Nakaramdam naman ako ng pag-init ng pisngi, ‘di dahil sa tanong niya kundi dahil malapit sa akin ang mukha niya at konting galaw ko lang ay baka magtama ang mga labi namin. “Hay naku, hija at hijo! Mamaya na kayo maglabing-labing, bumaba na muna kayo ng eroplano.” Ani ng isang ginang na napapa-iling habang dumaan sa galid namin. Natawa na lang kami ni Jaxon, hindi na ako kumontra sa matanda dahil baka mabisto pa kaming dalawa ni Ronald. I tried to look at his seat and he is gone, marahil ay nauna nang bumaba. Paglabas namin ng airport ay may isang kotseng huminto sa tapat namin, it looks familiar. May bumaba mula sa driver seat at lumapit kay Jaxon, binigay sa kanya ang susi at iniwan na kami. Naalala ko na, it’s his car. “Saan ka tutuloy?” He asked while putting his small luggage at the front trunk. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung saang lugar ‘yon. “Sa Bulan Villas.” “Tamang tama, doon din ang punta ko.” He approached me and held my luggage. “Sabay ka na sa akin.” “Ah, s-sige.” The atmosphere was awkward when we’re heading to the villa. Hindi sa nilalagay ko ng meaning ang mga nangyayari pero nagkataon lang ba talaga ‘to? Bagaman pabor naman sa akin, nakakapagtaka lang talaga. “May nagawa ba ako o nasabi na hindi mo nagustuhan?” As we enter the villa and approach the front desk, a mix of worry and confusion is visible on his face. “Huh?” I furrowed my eyebrows. “W-wala naman, pagod lang siguro.” I answered and smiled. “I see, pahinga ka na muna. If it’s okay to you, sabay na tayong mag lunch?” “Sure,” “Here’s the key to your room, Ma’am.” The receptionist smiled widely as she handed me the key. She also gave Jaxon the key to his room. “I guess our rooms are far from each other. I’ll just call you when it’s time for lunch,” he said confidently. “U-uhm, wala naman akong binigay na number sayo, paano mo ako matatawagan?” nag-aalangan kong tanong. Sinulyapan niya muna ang receptionist na halatang nagpipigil ng tawa bago ako tignan. "I'll ask for it now, if it's okay with you." I slightly laugh, then gave him my number. Matapos ang exchanging of numbers ay nagtungo na kami sa kanya kanyang kwarto. Namangha ako sa linis at ganda ng kwarto, agad akong nag-picture at pinadala kay Micah. She just liked the pictures, akala ko hindi siya mag-re-reply pero may si-nend din siyang picture. Namilog ang aking mga mata sa nakita, she sends a picture of her na nakahiga at nakapatong ang ulo niya sa dibdib ng isang lalaki. I typed a message. My gosh, Micah! ‘Di mo na hinintay mag new year! Napangiwi na lang ako habang in-exit ang ConnectMe na app. Naligo na lang ako at pagkatapos ay nagbihis at natulog. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, napabalikwas ako ng bangon ng maalala na sabay pala kaming kakain ng lunch ni Jaxon. I reached for my phone and answered him immediately. “H-hello?” “Sophia? Nagising ba kita? I’m sorry, you can sleep again. Padadalhan na lang kita diyan ng pagkain.” Halatang nataranta siya sa kabilang linya. “No, it’s okay. Mag-aayos lang ako, mga 15 minutes. Pwede mo ba akong hintayin, Jaxon?” Umalis na ako sa kama. “Sure, Sky. I am willing to wait.” Napangiti ako, he is calling me by my nickname too. Bakit parang ang ganda pakinggan kapag siya ang tumatawag sa akin ng Sky? “Still there, Sky?” Pinigilan ko ang sarili na kiligin, apaka assumera mo Sophia. “Ah, y-yeah! Mag-aayos lang ako. Bye!” I ended the call at nagmadaling pumunta ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD