CHAPTER 6

1447 Words
CHAPTER 6 Nag half-bath na lang ulit ako, then toothbrush. Naglagay lang din ako ng konting pressed powder at lip and cheek tint sa mukha ko para magmukha naman akong presentable. Nakasanayan ko nang gawin ito, napuna kasi ako noon ng mga kasama ko sa trabaho na walang kakulay-kulay yung mukha. Isa pa naman daw ako sa humaharap sa mga client, tama naman sila sadyang naging late bloomer lang ako. Nung college kasi ako, nasa mindset ko na hindi ako naglalagay ng kahit ano sa mukha, takot ko lang na matawagan ng guro then walang masagot, ang ending mapapahiya ako. Good thing ay kasama ko sa condo si Micah, nagpaturo ako sa kanya hanggang sa natuto ako. When it comes to clothes naman, hindi ko hilig ang mga magagarbo at revealing. Mas gusto ko yung simple pero sexy parin ako tignan. Nilapitan ko ang aking maleta ng may pagmamadali at naghanap ng maisusuot, it’s almost 15 minutes pero hanggang ngayon nandito parin ako sa kwarto. I saw the black and white tropical print kimono and short set, ito na lang ang isusuot ko, plus white crop top sando sa loob. Medyo high waist ang short kaya konti lang ang makikita sa bandang tyan. Pagkatapos kong magbihis ay inipit ko na lang ang upper part ng buhok ko ng hair clamp. Lastly, I just wear a flat sandal and quickly grabbed my beige rattan handmade knitted shoulder bag na may sunflower decor sa gitna. I saw him waiting in the lobby, nakapamulsa siya at nakatingin sa labas. Sa nakikita ko, he is wearing a gray short sleeve shirt na may collar at button sa harap. Pinares niya ng black short at nagsuot siya ng white sneakers. Tatawagin ko na sana siya ngunit napahinto ako nang mapagtanto kong hindi nalalayo ang mga kulay ng mga suot namin, parang pinlano lang namin. “Sky?” “Ha?” I didn't notice that he was already facing me. He took a step towards me. “Kanina ka pa?” Mabilis akong umiling. “H-hindi, kararating ko lang. Ikaw dapat ang tatanungin ko kung kanina ka pa naghihintay?” Sumagot siya na halos pabulong, hindi ko naintindihan. “Ano ‘yon?” “I said, kararating ko lang din.” Ngumiti siya pero halata namang hindi ‘yon ang sinabi niya. “Tara na? Nagugutom na mga alaga ko sa tyan.” I chuckled softly and nodded. Ang restaurant lang din na nandirito sa Bulan Villas ang pinuntahan namin, actually it is a Pizzeria. Um-order ng dalawang klaseng pizza si Jaxon at may sinali pa siyang side dish. Pinapanood ko lang siya, I let him order our food since hindi naman ako mapili talaga sa pagkain. He glanced at me. “Gusto mo ba ng mango smoothie?” “Yah, okay lang.” tipid kong sagot. Sinabi niya sa waiter ang order namin at pagkatapos ay umalis na ito sa harap namin. While waiting for our order, my phone rang. It was Aldrich, tinignan ko muna si Jaxon na kitang kita sa mukha ang pagka-curious kung sino ang tumatawag. I picked up the phone and answered it. “Hello?” “Sky! Sorry sa istorbo, gusto ko lang sanang kumustahin ka. Nasa Siargao ka na? Ayos lang ba ang naging byahe mo? ‘Di ka nahirapan?” Nahuli kong nagtaas ng kilay si Jaxon, problema nito? “I’m okay, Drich. Kanina pa ako nakarating ng Siargao, I’m currently having my lunch.” “Oh, ganon ba? Ikaw lang mag-isa?” Muli akong napasulyap kay Jaxon ng marinig ko ang mahina niyang pagtikhim, at napasandal na lang sa upuan. Naiinip na ba siya o sadyang gutom lang talaga? Sumandal na lang din ako sa upuan. “N-no, Drich. I’m with someone, uhm, let’s continue our conversation later? N-nandito na kasi yung in-order namin.” Pagsisinungaling ko kahit wala pa naman yung mga pagkain. Naiilang na kasi ako kay Jaxon. Bumalot ng katahimikan ang kabilang linya ngunit ilang sandali lang ay nagsalita na si Aldrich. “Sure, Sky. Talk to you later. Bye!” “Bye,” I ended the call and put my phone again on top of the table. Maya maya lang ay dumating na yung orders namin at tahimik kaming kumain. “May problema ba?” Hindi ko na napigilang itanong. He cleared his throat and smiled at me. “Wala, Sky.” Ibinaba ko yung kutsara at tinidor sa plato at humalukipkip, ininom naman niya ang kanyang smoothie. Naningkit ang aking mga mata. “Alam mo ba, ayaw ko sa mga lalaki ang sinungaling?” Muntik na niyang maibuga ang ininom niya nang marinig ‘yon. Sorry naman, minsan ‘di ko talaga mapigilan ang mga intrusive thoughts ko, eh. “W-what do you mean?” He is wiping his mouth with a tissue. “I’m telling the truth, Sky. And besides, even if I tell you, it will still be nonsense.” “Nonsense?” I c****d my head. “Bakit magiging nonsense?” Napangiti ako. Magsasalita na sana siya ngunit napahawak ako sa kaliwa niyang kamay ng makita ko si Ronald at ang mga kaibigan niya na papasok sa restaurant. Binaba ni Jaxon ang hawak niyang kutsara at pinatong ang kanan niyang kamay sa kamay ko, as if he knows already the reason why I did that. Lumampas sila sa mesa namin at umupo sa kabilang side, alam kong sinadya nila na doon pumesto para makita niya kami. My trauma with him begins to knock on my mind again, but suddenly I felt a tap on my hand. “Don’t mind them, nandito lang ako.” Tumango na lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili. “So, what’s your plan for New Year’s Eve later?” Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanya at inabot ko yung mango smoothie, ininom ko ‘yon bago siya sagutin. “Sa may pool side na lang siguro ako tatambay mamaya at panonoorin ang makukulay na fireworks.” “Uhm, if you don’t mind… May gaganapin na New Year’s party sa Happiness Beach Bar mamaya, would you come with me?” Napa isip ako saglit, wala naman sigurong masama? Kaya nga ako nagpunta dito para mag-enjoy at hindi ma-stress. “Sure! I’ll come with you.” *** Mga bandang alas otso ng gabi kami nagpunta ni Jaxon. Hindi pa naman puno ang lugar ngunit unti-unti nang nagsisidatingan ang mga turista at mga lokal. I didn’t bother to change my clothes since hindi naman ito nadumihan at konti lang talaga ang dala kong damit. The people around are getting hype, excited na sa gaganaping party. Humanap na muna kami ng pwesto ni Jaxon para hindi na kami mahirapan. Nang may makita na kami ay tinungo na namin ‘yon. “Sophia?” Nahinto ako sa paglalakad at lumingon sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino siya. “Cherry, n-nice to see you again.” Pilit ko siyang nginitian. “Oo nga, it’s nice to see you again. Kumusta? May asawa ka na?” Natigilan ako sa tanong niya ngunit agad naman akong umiling. “Seryoso?” Humalakhak siya at ibinaling ang tingin kay Jaxon na nakatayo lang sa gilid ko. “Oh, boyfriend pa pala.” So, she thinks Jaxon is my boyfriend. I wave my hands in front of her as if telling her that Jaxon is not my boyfriend. “N-nagkakamali ka ng iniisip. H-he’s a friend of mine.” “Ay, ganon?” aniya na parang nadismaya. “Sayang, pogi pa naman. Ano ba talagang hanap mo, Sophia? Napag-iiwanan ka na, tignan mo, oh,” pinakita niya ang kanyang kaliwang kamay na may kumikinang na singsing. “I’m already married, naku, ikaw na lang ata ang single sa batch natin!” Muli siyang tumawa at nakisabay sa kanya ang iba ko pang mga batchmates na kasama niya. Nakitawa na rin ako na ipinagtaka nila, alam kong pinapanood lang ako ni Jaxon. “Bakit ka natatawa?” Tanong ni Cherry. “Well, nakakatawa lang dahil invested talaga kayo sa love life ko; parang ako ang main character sa isang nobela.” Naging seryoso ang mga mukha nila. “Hayaan mo, Cherry, kapag ikakasal na ako, iimbitahin kita—kayo. Para makita ko kung gaano kayo kasaya para sa akin. Ngunit sa ngayon, hindi ako nagmamadali; darating din ang tamang panahon na makikilala ko ang taong para sa akin. Habang single ako, magfo-focus muna ako sa personal growth ko at hindi sa buhay ng ibang tao.” Natameme sila sa sinabi ko, and with that I looked at Jaxon who’s smiling widely. I grabbed his hand and we went to our table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD