Prologue: A Whirlwind Romance
MARAMING tao in attendance sa Diplomatic Hall ng Manila Marriott Hotel sa Pasay. Isa itong black tie event para i-celebrate ang fiftieth birthday ng multi-media mogul na si Daniel Santillan. Ang live-in partner niyang si Michelle Ortega ang punong abala sa okasyon. Binusisi niya talaga ang bawat detalye ng celebration na ito para masiguro niyang matutuwa si Daniel. Personal niyang dinisenyo ang invitational cards na ipinamigay sa mga guests. Siya din ang nag-oversee food at catering service, sa mga performances na gaganapin sa stage, kasama na duon ang full-size orchestra na nagse-serenade ngayon sa mga guests. Pati ang The Great Gatsby motif ng party ay pinag-isipan ni Michelle dahil paborito ni Daniel ang librong ito ni F. Scott Fitzgerald pati na rin ang movie adaptation na ginawa ni Baz Lhurmann. Kaya naman very dominate ang kulay gold, black at metallic colors ngayon sa bulwagan. No wonder kailangang mag-take ng leave of absence si Michelle sa kanyang women’s magazine show na The Filipina Today sa Alliance Network na si Daniel din ang tumatayong chairman.
Ang five-year old child nina Daniel at Michelle na si Owen ay tuwang-tuwang pinapanuod ang isang bartender na nagsasalin ng vintage champagne sa mga glasses na nakakorteng pyramid. Very cute at charming ito sa suot na tuxedo na may kasama pang bowtie at suspenders. Sa sobrang tuwa ni Owen ay pilit na ngayong inaabot nito ang isa sa mga champagne glasses. Mabuti na lang, maagap ang tito nitong si Julian na nakababatang kapatid ni Michelle. Nailayo nito si Owen bago pa nito potentially sirain at paguhuin ang champagne glass pyramid.
“Hindi pa ‘yan puwede sa ‘yo, Owen. It’s not for kids.” Saway ni Julian sa bata habang kinakalong ito palayo sa bartender at sa champagne pyramid.
“Hindi na naman ako kid!” Puno ng defiance na sabi naman ni Owen sa tito niya.
“Okay. Pero hindi pa rin ‘yun puwede sa ‘yo. ‘Pag naging older ka pa ng konti. O, ‘andito na pala ‘yung cousin mong sina Vincent at Judy. You play with them first.” Maagap na sabi ni Julian nang makita ang mga batang cousins ni Owen.
“Play with them using knives and forks, Tito Julian?” Inosenteng tanong ni Owen nang makita ang cutlery sa mesa inookupahan ng mga pinsan.
“S’yempre hindi ‘yan. You’ll get hurt.” Maagap na kinuha ni Julian ang mga sharp cutlery sa mesa saka binulungan si Vincent na much older kay Owen ng kaunti. “Keep him busy muna, Vincent. Let him play with your phone. Nothing violent, ha? ‘Yung mga Minecraft and Angry Birds lang.”
“Pero violent games din ‘yun, Kuya Julian.” Napakamot sa ulong sagot naman ni Vincent.
“You know what I mean, okay, Vincent?” Hinawakan pa ni Julian ito sa ulo for emphasis. “Iwan ko muna kayo and I have some errands to do.”
Nakita naman ni Julian si Michelle na nakatanaw sa glass window ng hall. Halatang hinihintay nito ang celebrant na obviously ay hindi pa rin dumarating.
Nakatiyempo naman ng dumaraan na waiter si Julian. Kumuha ito ng glass ng Bourbon old fashioned sa tray nitong hawak at in exchange du’n niya nilagay ang mga cutlery na kinuha sa mesa nina Vincent. Kunot-noong napatingin ang waiter kay Julian. Pero hindi na niya ito napansin dahil tuloy-tuloy na niyang nilakad ang puwesto ni Michelle sa glass window.
“Wala pa rin si Dan?” Tanong ni Julian. Stupid yung question dahil hindi naman maghihintay ng ganito ang kapatid niya kung dumating na ang celebrant pero ‘yun lang ang una niyang naisip itanong nang lapitan si Michelle.
“Wala pa.” Sagot naman ni Michelle nang hindi nililingon si Julian. Maganda ang suot niyang art deco sequined flapper dress with matching headband, necklace at gloves. Pero parang sayang naman ito naging paghahanda niya kung hindi naman ito makikita ni Daniel.
“Sinubukan mo na bang tawagan number niya?” Again, stupid ‘yung question dahil palagay ni Julian ay nagawa na iyon ni Michelle.
“Of course!” Napatingin na sa kanya si Michelle ng sumagot. Basa na ang mga mata nito ng luha. “I tried calling all his contacts pati na rin Viber niya pero hindi niya sinasagot! s**t! Nag-promise siya sa akin na a-attend siya tonight. How would he expect me to explain to all these guests in this room na siyang mismong celebrant ay hindi makakarating sa mismong party niya!”
Nilapitan ni Julian ang kapatid at tinapik ang likod nito. “Don’t stress yourself, Ate. Kung nag-promise si Dan sa ‘yo na darating siya, darating ‘yun.”
“I don’t know, Julian. Marami nang siyang ginawang false promises sa ‘kin. But this could be the biggest of them all. Hindi ko lang sure kung masu-survive ko ‘to if that happens.” Saka nito kinuha ang hawak na drink ni Julian at ininom ang laman nitong alak ng isang pasada lang.
“Siguro, I’ll ask na lang ‘yung mga ballet performers na mag-start para hindi na mainip ang mga guests.” Suhestiyon ni Julian.
“I’ll do it. Siguro I have to keep myself busy para hindi ko na maisip ‘yung tragedy na mangyayari sa ‘kin later on.” Sabi naman ni Michelle sabay bigay nito kay Julian ng wala nang laman na cocktail glass.
Bago pa makasagot si Julian ay iniwan na siya ni Michelle para magtungo na stage para personal na sabihin sa mga ballerinas na simulan na ang performance ng mga ito.
**********
HABANG nagpe-perform ang mga ballerinas sa stage ng kanilang rendition ng Dance Of The Swans mula sa Swan Lake ballet ng Russian composer na si Tchaikovsky, ang hindi alam ni Michelle ay nasa vicinity lang ng hotel si Daniel. Pero wala talaga itong balak um-attend sa sariling birthday celebration. Kaya discreetly ay nag-stay muna siya sa Still Bar na located sa West Wing area ng hotel. Nakaka-tatlong glasses na si Daniel ng Gentleman Jack malt whiskey nang marinig niyang mag-buzz ang kaniyang phone na nakapatong sa counter ng bar area. Hindi na na-surprise si Daniel nang makitang pangalan na naman ni Michelle ang nagpa-flash sa screen ng phone. Pang-ilang tawag na ba itong ginawa ni Michelle? Hindi pa rin ba nito makuha na ayaw niya itong kausapin kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag nito? Kaya pagkatapos mag-buzz ng phone, agad nilagay ni Daniel lahat ng incoming calls niya na ma-divert sa voicemail box niya.
Straight up na ininom ni Daniel ang natitirang malt whiskey sa baso niya. Bago umalis sa bar area ng Still lounge ay dumukot muna si Daniel ng isang libong piso mula sa alligator skin wallet niya at inilapag iyon sa ibabaw ng counter. “Paki-charge na lang sa Ambassador Elite membership ko ‘yung mga nainom ko, Jimmy. Okay?”
Maluwang ang ngiti ni Jimmy na sumagot nang makita nitong ang malaking tip na binigay ng high-profile niyang customer. “Sige po, Sir Daniel. Have a great night!”
Lumakad palayo ng bar si Daniel. Sigurado ang mga hakbang niya. Hindi pansin ni Daniel na ang ibang mga ladies na nasa lounge ay napapatingin sa kanya. Bukod sa well-known si Daniel dahil sa jack-of-all-trades nitong ventures sa film, TV, clothing apparels, restaurants, videos on demand cable networks, publications at iba pang conglomerates ay matikas din siyang lalaki sa tindig at pananamit in spite that he’s now turning fifty. Lutang kung gaano siya kakisig sa suot niyang expensive Prada suit at well-tailored haircut. Pero wala sa kanila ang atensyon ni Daniel. Isang espesyal na babae na nasa isa sa mga deluxe suite ng hotel ang umookupa sa isip niya.
*******
SA LOOB ng dimly-lit na deluxe suite, maingat na sinalinan ni Vanessa ng zinfandel rose ang isang chilled long stemmed wineglass. Ibinalik niya sa ice bucket ang bote ng grape rose wine na nakalagay sa corner table nang malagyan ng saktong laman ang wineglass. Dala-dala ang wine na lumabas ng balcony si Vanessa. Tanaw mula sa balcony ang Villamor golf course na kita ang lush greenery sa paligid kahit gabi dahil sa naka-install na LED projection lights. Kita rin muna sa balcony ang twinkling lights ng Manila city skyline.
Malakas ang ihip ng hanging amihan sa kinatatayuang balcony ni Vanessa pero hindi siya nakakaramdam ng lamig kahit nakasuot lang siya ng silk chemise nightgown. Malaking tulong rin siguro ang wine na iniinom ni Vanessa para manatiling warmth ang pakiramdam niya. Kaya hindi siya nilalamig sa natural cold breeze sa balcony o sa malakas ng air-conditioning ng tinutuluyang suite.
Nagsimulang adornohan ng makukulay na fireworks ang isang parte ng natatanaw niyang city skyline. Sa bandang area ng Lucky Chinatown Mall ang hula ni Vanessa na pinanggagalingan ng fireworks. Ilang araw na lang kasi ay Chinese New Year na.
Masyado namang advance ang fireworks display nila. Naisip ni Vanessa habang nire-relish ang strawberry notes ng iniinom na wine.
Mula sa pagtingin sa mga fireworks, napalingon si Vanessa nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng balcony. Nakita niyang nakatayo duon si Daniel, Nakangiti sa kanya bagamat malamlam ang dating ng mga mata nito.
Kahit nagulat, nangiti pa rin si Vanessa nang makita ang lalaki. “Sabi mo sa ‘kin by morning ka pa bibisita dito sa suite.” Sabi niya habang ibinababa ang hawak na wineglass sa isang table.
“Wala man lang ba akong greeting sa ‘yo. By midnight fifty na ako.” Kunwaring nagtatampong sabi ni Daniel nang lumapit sa kanya si Vanessa.
Yumakap naman si Vanessa sa lalaki at siniil ng halik ito sa labi. “Happy birthday.” Nakangiting sabi ni Vanessa matapos halikan si Daniel. Pero nangunot agad ang noo niya sa lalaki. “Tapos na ba agad ang party mo? Or have they postponed it? Wala pa yatang eight thirty.”
“Hindi ako pumunta sa party.” Kaswal na sabi ni Daniel.
“What? Bakit?” Bakas na ang pagtataka sa mukha ni Vanessa nang kumalas ng yakap kay Daniel.
“I don’t want to go there. I’d rather spend the eve of my birthday with you .”
Na-touch naman ni Vanessa sa sinabi ng lalaki kahit ang gesture na ginawa nito ay very immature sa age nito. “I feel the same way, Dan. Gusto ko rin naman ako ang kasama mo to welcome your birthday. Ang worry ko lang, Michelle might get suspicious. Alam mo naman na hindi ko hilig ang confrontations.”
“Hindi mo na kailangang mag-worry about Michelle any longer, Vanessa.”
May natunugan si Vanessa sa boses ni Daniel na nagpakaba sa kanya. “What do you mean?”
Sa hitsura niya ngayon na magkahalo ang confusion at yearning ang mababakas sa mukha, hindi maikakaila ni Daniel na kakaiba ang uri ng ganda ni Vanessa. Lalo pa itong na-enhance ng colorful na fireworks na kasalukuyang nagaganap sa cityline backdrop na tanaw mula sa balkonahe. Sigurado na ngayon si Daniel ngayong kaharap na niya si Vanessa na wala siyang pagsisisihan sa biglaan niyang desisyon sa eve ng kanyang birthday.
“All I’m saying, hindi na magiging threat sa ‘yo si Michelle after this night.” Saka kumilos si Daniel para lumuhod sa harap ng babae.
Natakip ni Vanessa ang dalawang kamay sa bibig nang makita ang pag-kneel sa kanya ni Daniel. Hindi ba siya binibiro ng mga mata niya? Magpo-propose na ba talaga sa kanya si Daniel?
“I’ve been pondering this for quite sometime now, but tonight I’ve never been this sure.” At nilabas ni Daniel mula sa bulsa ng suit nito ang maliit na casket.
Unti-unting binuksan ni Daniel ang casket sa harap ni Vanessa at sa loob ng plush velvet ng kahita ay nakalagay ang French cut blue sapphire halo engagement ring. Matingkad na kumikinang ang blue sapphire at diamond center nito pag tinatamaan ng ilaw. Ang shanks at hallmark part ng ring ay gawa sa purong white gold na napapaligiran din ng brilliant cut diamonds. Stunner-looking ang singsing. Sigurado si Vanessa na magiging takaw-pansin ito pag suot na niya ito in public.
At binanggit na nga sa kanya ni Daniel ang magical question. “Will you marry me?”
Hindi na inisip ni Vanessa kung ano ang magiging blacklash pag tinanggap niya ang wedding proposal ni Daniel. Hindi na rin niya inisip na puwedeng siyang i-portray as villain ng media sa relationship nina Daniel at Michelle. Especially ng mga loyal fans ng pamosong TV host. Baka i-brand siya ng mga ito na home wrecker. Hindi man lang ikinunsidera ang future ng anak ni Daniel kay Michelle na si Owen. Pero naisip ni Vanessa, bakit ba niya papahalagahan ang magiging impressions ng mga tao sa kanya? Hindi pa naman kasal sina Daniel at Michelle in the first place. Although, halos lahat ay ine-expect na duon matutuloy sina Daniel at Michelle. Pero hindi nila alam ang buong detalye. Si Vanessa lang ang nanduon para i-absorb ang mga quirks at outbursts ni Daniel sa tuwing may hindi pagkakasunduan ito kay Michelle. Kaya para kay Vanessa, deserved niya itong inaalok na marriage proposal ni Daniel. She earned it.
Nag-worry yata si Daniel dahil wala pa rin siyang naririnig na sagot kay Vanessa. “Please say yes.”
Kahit naluluha ay hindi napigilang matawa ni Vanessa. “Of course, I’ll marry you. Silly!”
Tumayo si Daniel sa pagkaka-kneel nito sa balcony at maagap na siniil ng halik si Vanessa sa labi. Nang masuot na sa kanya ni Daniel ang engagement ring sa ring finger niya, hindi napigilan ni Vanessa na hindi i-admire ito nang malapitan. Sukat na sukat ang singsing sa kanya. Parang nag-conspire ang destiny na mag-cross path sila at ngayon ay inalok na siya ng kasal ng isa sa mga itinuturing na pinakamayamang dashing debonair sa Pilipinas.
“It’s beautiful.” Almost breathless na sabi ni Vanessa habang fixated siyang nakatingin sa kumikinang na sapphires at diamonds ng singsing na suot na niya ngayon.
“You’re more beautiful.” Masuyong bulong naman sa kanya ni Daniel habang hinahalik-halikan siya sa pisngi at sa leeg.
Binuhat ni Daniel si Vanessa at ipinasok ulit sa loob ng suite. Mukhang mauuna pa yata ang honeymoon nila bago ang wedding ceremony. Pero hindi na problema ‘yon. Dahil sa estado ni Daniel at sa lawak ng impluwensiya nito, baka buwan lang ang hihintayin ni Vanessa at magkaharap na sila ni Daniel na nanunumpa sa loob ng simbahan kaharap ang kura paroko ng mapipili nilang church.
Sinimulan na siyang halikan ni Daniel kahit ibinababa pa lang siya sa malambot na sheets ng king-size bed. Bumaba ang mga labi ni Daniel sa leeg at sa dibdib ni Vanessa, sinasabayan ng kilos ang mga kamay niyang okupado naman sa pagtanggal sa suot na nightgown ng babae. Napahinga ng malalim si Vanessa nang sinimulang laruin ng dila ni Daniel ang n*****s ng breasts niyang agad rumesponde sa mga hawak at caress ng lalaki. Ito ang nagustuhan ni Vanessa kay Daniel. Kahit na hindi pa niya masasabing mahal na niya ang lalaki, hindi naman niya made-deny na attracted siya physically kay Daniel. Maraming mga girls ang napapatingin kay Daniel sa iilang okasyon nakasabay niya itong maglakad sa labas. Proof na good-looking talaga ang bilyonaryong mapapangasawa niya. Plus factor rin na marunong itong mag-satisfy ng ka-partner. Kabisado na nito ang mga G-spots niya at kung paano ito iti-tease. Halos matanggal na yata ni Vanessa ang headboard ng hinihigaang kama sa higpit ng hawak niya habang nawili yatang mag-spend ng time si Daniel sa pagitan ng legs niya, expertly na ginagamit ang dila, saliva at mga lips niya para ma-stimulate maigi ang sensitive niyang c**t.
Inihawak tuloy ni Vanessa ang left hand sa malagong buhok ni Daniel para ma-guide ito sa ginagawang pag-pleasure sa kanya. Ang kislap ng mga bato sa suot niyang engagement ring sa ring finger ay parang naglalarong nag-richochet naman sa dimly-lit room.