Parang nawala ako sa sarili na malaman ko na si Dustin pala ang bago kong kaklase. Paano nangyari 'yon? Sinundan niya ako rito sa Maynila? Damn it! Nagulo na yung isip ko dahil sa pagsulpot ni Dustin. He is standing in front of the class with his smirk on his face. My classmate were whispering about Dustin, most of them are girls. Alam kong kinikilig sila kay Dustin. Habang siya ay 'di tinatanggal ang tingin niya saakin. "Ms. Gonzales." Napatingin naman si Via sa pagtawag sakaniya ni Prof. "Seat here in front, please." Alanganin na tumayo si Via at napatingin siya saakin. Alam kong labag sa loob niya na lumipat ng upuan dahil gusto niya ako katabi palagi. Pero wala naman siya magagawa dahil advisor namin ang nag-utos sakaniya na lumipat. "Bye, Riri." Malungkot na anas niya. Natawa nal

