Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa nangyari saakin kahapon. Buntik na ako manakawan ng gamit, pero buti nalang may lalaki na tumulong saakin. Pero kinakabahan pa rin ako sa huling sinabi niya saakin, eh. Dahil do'n hindi ako pinatulog ng maayos. What does he mean that he's watching me? Since when? May sumusunod ba saakin? s**t! Puro what if's nalang ang tumatakbo sa isipan ko. Buti nalang pagkatapos niya umalis ay dumating na yung Grab Taxi na pina-book ko kahapon. Tulala ako nung nakauwi ako ng bahay kahapon. Huminga ako nang malalim para makalimutan ko nangyari saakin kahapon. Napatingin ako sa pintuan na bumukas at nakita ko si Kyle. Nakasuot siya ng corporate attire. Tumakbo ako papunta sakaniya at dinamba ko siya ng mahigpit na yakap. I miss him so much! "I miss you, Kyle!"

