NAGISING si Amarah kinabukasan na wala sa tabi niya si Daxton. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi sa isiping baka nasa kusina na naman ito at nagluluto ng breakfast nila gaya na lang ng nangyari kahapon ng umaga. Nagising siyang wala ito sa tabi niya at nang hanapin niya ito ay nasa kusina na ito, abala na sa pagluluto ng breakfast nila. Inisip ni Amarah na baka nasa kusina na naman si Daxton at abala ito sa pagluluto ng breakfast nila. Nang maisip niya iyon ay tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama para puntahan ang asawa sa kusina para tulungan ito sa pagluluto nito ng breakfast. Pero ganoon na lang ang pagtataka ni Amarah nang pagdating niya sa kusina ay hindi nakita ang asawa doon. Kumunot naman ang noo niya. "Daxton?" tawag niya sa panga

