"KAMI na lang ang bahala ng Papa mo dito, Amarah. Samahan mo na ang boss mo doon sa sala," wika ng Mama Arriane niya ng balak niyang tulungan ang mga ito mula sa paghuhugas ng pinggan pagkatapos nilang kumain. "Sige po, Ma," sagot na lang naman ni Amarah dito. Umalis na siya sa kusina para puntahan si Daxton na nakaupo sa sofa sa may sala. At kasama nito ang dalawang kapatid niya. Balak din niyang yayain ito na umalis na. Baka kasi nahihiya lang ito na yayain siyang umalis na. "Pwede ko na po bang buksan ang regalo niyo sa akin, Kuya Daxton?" narinig niyang tanong ni Amadeus sa lalaki. "Sure," sagot naman ni Daxton sa kapatid. Snob si Daxton sa ibang tao, lalo na kapag hindi nito kilala o kahit na kilala nito pero hindi nito close. Pero pansin niya, magiliw ito sa mga kapatid niya,

