PAGKATAPOS nilang bumaba ni Amarah sa jeep ay kinakailangan pa nilang sumakay ulit sa tricycle para makarating sila sa bahay nila. Inarkila na ni Amarah ang tricycle para makarating na sila agad sa bahay. Dahil kung hindi ay maghihintay pa ang driver ng pasahero hanggang sa mapuno iyon Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa lugar nila. Binuksan niya ang bag para kumuha ng pera. Pero bago pa siya makakuha ng pera ay naunahan na siya ni Daxton. "Wala kayong barya, Sir?" tanong naman ng driver kay Daxton. At nang tingnan niya ang hawak nito ay nakita niyang isang libong papel iyon. "Wala akong panukli dito, Sir," dagdag pa na wika nito. "Just keep the change," sagot naman ni Daxton sa lalaki. Napansin naman niya na nagkamot ito ng ulo. "Ano daw?" mukhang hindi nito naintin

