SAKTONG naligpit na ni Amarah ang gamit sa ibabaw ng cubicle nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Nag-angat naman siya ng tingin at nakita niya si Daxton na nakatayo na sa harap niya. "Are you ready?" tanong nito sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. "Let's go," yakag naman nito sa kanya paalis. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa chair niya. Sa halip na kunin ang bag ay ang paper bag na naroon ang kinuha niya. Kagat ang labi na lumapit siya kay Daxton. At nang makalapit ay inabot niya ang hawak na paper bag dito. Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito ng bumaba ang tingin nito sa inaabot niyang paperbag. "What's that?" tanong ni Daxton sa kanya. "Dinalhan kita ng damit mo. Kung pwede ay ito na lang ang isuot mo sa pagpunta natin sa bahay namin," wika

