TUMINGALA si Amarah para tingnan ang leeg sa harap ng salamin sa loob ng banyo sa kwarto ni Daxton. Pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay nag-excuse siya sa mga ito na babalik ng kwarto, hindi naman siya pinigilan ng mga ito ng magpaalam siya. Mukhang pansin ng mga ito ang embarrasment na nararamdaman niya. At hindi napigilan ni Amarah ang mag-init ng pisngi nang makita nga niya ang mga pulang marka sa leeg niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam na may love bites pala ang leeg niya dahil noong magising siya ay hindi naman na siya nagsalamin. At hindi na din pumasok sa isip niya na mag-iiwan ng marka sa leeg niya ang ginawa ni Daxton. Eh, paano niya malalaman, lahat ng ginawa nito sa katawan niya ay first time niya. Kung alam lang sana ni Amarah na may bakas na iniwan si Daxton sa nang

