AKMANG kakatok si Amarah sa pinto ng opisina ni Daxton ng mapatigil siya ng biglang bumukas ang pinto. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang nakataas na kamay nang makita niya lalaki. "Let's go," yakag naman nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Tumango naman si Amarah bilang sagot. Nang humakbang na paalis si Daxton ay sinundan niya ito. May kakatagpuin kasi si Daxton na malaking investor ng sandaling iyon. At madalas kapag may katatagpuin itong malaking investor ay isinasama siya nito para mag-take down note sa mga napag-usapan ng mga ito. Gaya na lang ngayon, isasama na naman siya nito sa pakikipag-meet nito sa investor nito. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na sila sa building. Paglabas ay agad nilang namataan ang sasakyan ni Daxton, nasa labas na nga din ang driver nito,

