UMAYOS ng upo si Amarah nang ihinto ng driver ni Daxton ang minamaneho nitong kotse sa isang restaurant. Pagkatapos niyon ay binuksan nito ang pinto at saka ito bumaba doon. Sinundan lang naman niya ang tingin ang lalaki habang naglalakad ito papasok sa loob ng nasabing restaurant. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin nito pero naisip niyang baka may bibilhin lang ito doon. Inalis naman ni Amarah ang tingin sa lalaki at pasimple niyang inilipat iyon kay Daxton na hanggang ngayon ay nakapikit pa din ang mga mata. Hindi pa nga din nawawala ang gitla sa noo nito ng sandaling iyon. Saglit naman niya itong tinitigan hanggang sa isinandal din niya ang ulo sa headrest ng backseat at saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi naman nagtagal ay bumalik na din ang driver ni Daxton, napans

