TUMIKHIM si Amarah para kunin ang atensiyon ni Daxton ng pumasok siya sa loob ng opisina nito pagkatapos niyang kumatok. Mula sa harap ng computer ay napansin niya ang pag-angat nito ng tingin patungo sa kanya. "Yes, Amarah?" wika nito ng nagtama ang mga mata nila "Mag-o-overtime ka ba?" tanong niya dito. "Why?" Napanguso naman siya dahil sa halip na sagutin siya ng lalaki ay tinanong din siya nito. "Kung mag-o-overtime ka at kung wala ka ng ipapagawa sa akin ay mauuna na ako sa penthouse para makapagluto na ako ng dinner," sagot naman niya. Madalas kapag nag-o-overtime kasi si Daxton ay pinapauwi na siya nito pero kapag kailangan pa siya nito ay pinapaiwan siya nito. Gusto din naman ni Amarah minsan ang mag-overtime dahil sayang din ang overtime pay niya. May meal allowance di

